• Home
  • Fresh Scoops
  • Idol PH finalist Lucas Garcia, willing daw sumabak sa acting at comedy

Idol PH finalist Lucas Garcia, willing daw sumabak sa acting at comedy

“Gusto ko nga halos all-around ako,” pahayag ni Lucas Garcia tungkol sa planong pasukin din ang ilang larangan sa showbiz.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/27/2019 11:47 AM
Idol PH finalist Lucas Garcia, willing daw sumabak sa acting at comedy


Photo credit: @lucasnikkogrc IG

Malaki ang pasasalamat ng Idol Philippines finalist na si Lucas Garcia sa sunud-sunod na proyekto matapos ang kaniyang pagsali sa national TV singing competition.

Isa sa mga pinagmamalaki ng singer ay ang kamakailangang pag-guest sa concert ni Jessica Sanchez nitong November 22. Bukod sa kaniya, nakasama rin niya sa nasabing concert ang nabuong grupo na 'iDolls' (kasama sina Enzo Almario at Matty Juniosa).

"May mga nilatag din sa amin ang Star Music para sa iDolls. Tapos mayroon din kaming mga covers na gagawin," pahayag ni Lucas sa PUSH nang tanungin tungkol sa mga dapat abangan sa grupo.

Hindi naman itinanggi ni Lucas ang kagustuhan ding pasukin ang pag-arte lalo na sa comedy.

"Gusto ko nga halos all-around ako... Kung ako ang tatanungin sa showbiz, gusto ko [rin] ang acting, bukod sa singing, gusto ko rin mag-dance, acting, comedy. Gusto ko lahat pasukin," biro ni Lucas.

Sa ngayon, aabangan ang solo single ni Lucas mula sa Star Music, na “Pinaasa,” sa November 29.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

When I think of the night of November 22, There are only 4 words I can think of to describe it. Dreams. Do. Come. True! From joining amateur singing contests to having a concert, truly surreal! I would like to thank the Lord for this tremendous blessing and the people who have made it possible. Our musical director Adonis Tabanda, you made us all sound great during the concert. Our director, Paolo Valenciano truly an amazing experience to have worked with one of the youngest and one of the most sought after concert directors. Stages management, thank you for believing in me and getting me to do this concert! To Idolls (Enzo Almario And Matty Juniosa), Lance Busa and of course Ms. Jessica Sanchez for sharing the stage with me, you guys were great! To the supporters who went out to see us (Lucas Royalties and Lucas Believers), thank you for the love! Thank you all for the kind and heartwarming messages! Also, I would like to thank all of those who have sent the beautiful bouquets of flowers and gifts! I hope and I pray that this is only the beginning of many more concert stages to conquer! Thank You Lord! Grooming By: Mico Dacanay & Jan Edrosolan Styled By: John Lozano/Kendell Espiritu/Lon Morelos/Gian Henderson 📸: Ceejay Serrano

A post shared by Lucas Garcia (@lucasnikkogrc) on

 

Isa rin sa magiging guests ang iDolls sa darating na major concert ni Zephanie sa November 28.