• Home
  • Fresh Scoops
  • Straight o gay ba si Raymond Bagatsing? ‘I don’t know, mahirap magsalita nang tapos’

Straight o gay ba si Raymond Bagatsing? ‘I don’t know, mahirap magsalita nang tapos’

Aminado ang Love Is Love actor na si Raymond Bagatsing na noon pa man ay marami na talaga ang nagdududa sa kanyang gender.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/26/2019 12:43 PM
Straight o gay ba si Raymond Bagatsing? ‘I don’t know, mahirap magsalita nang tapos’


Photo credit: @pelikulamania IG

Aminado ang Love Is Love actor na si Raymond Bagatsing na noon pa man ay marami na talaga ang nagdududa sa kanyang gender. Pero ipinagkikibit balikat lang daw niya ang tungkol dito.

“Matagal nang pinagdududahan ang gender ko. Ever since that I did Ballet Philippines, I dance for Ballet, modern ballet, ang mga choices ko would always question my gender,” pagtatapat ni Raymond sa PUSH.

“But I don’t think I can be questioned because I’m also a man’s man. I’m a martial artist, I do a lot of martial things but I also do a lot of feminine things. I love art, I love painting, I love writing, poetry – those are feminine things.

“Pag nagbigay tayo ng kategorya, effeminate yan, macho yan. Hindi pupwede, kasi tayo’y pinanganak na may nanay at tatay. Ang nanay mo ay effeminate, lilipat sa yo yan kahit lalaki ka. Yung love ng nanay mo maita-transfer sa yo yan at ang personality mo ay hindi monotonous, hindi one sided at ang masculinity ng tatay mo lilipat sa yo yan,” paliwanag ngaktor.

Sadiretsahang tanong kung straight ba siya or gay, ani Raymond, hindi niya raw alam.

“Idon’t know. Mahirap magsalita ng tapos, eh. All I know is I appreciate everyone, I appreciate people, human being, feelings, I appreciate love,” reaksyon niya.

Patuloy ng aktor, “Matagal ko ng tinatanong ‘yan,  being an artist kasi I’m very close to a lot of gay people, actually to my best friends. I’m very close to men, macho alike. I’m very close to a lot of girls, platonic or it could be in a relationship, it doesn’t really matter.

“So, I asked myself, ano ba? I find men good looking, I find gay good looking, I find peoples’ hearts best looking, so hindi ko masasabi ‘yun.”

Hindi rin daw niya masasabi na confuse siya sa kanyang tunay na gender.

Paliwanag ni Raymond, “I don’t think I’m confused, I just don’t like myself a category or I don’t like to limit myself who I am, because marami pang growth as a human being. Hindi pa tapos ang buhay ko, may bukas pa, may next week pa, so, I don’t know what to discover. Life for me is a discovery, it’s a journey, hindi ko puwedeng isarado at sabihin sa madla na ito lang ako kasi baka bukas may madagdag sa akin o may mabawasan sa akin.

“I’m not confused. I’m confused by many things, pero with that I’m not, I’m just me. So I don’t know who I will be tomorrow,I don’t know next year,” medyo biting pahayag ng aktor who is portraying the role of La Greta in GB Sampedro’s film Love Is Love.

Sa pelikula ay na-experience eni Raymond ang magsuot ng high heels bilang bading nga ang kanyang character attila na-enjoy naman daw niya ito.

“Actually, na-enjoy ko  yung heels na yan. Actually nung naghi-heelsako, 4-5 inches yon at nakalakad ako. Natuwa ako, nakalakad ako, ‘Uy, natural pala sa akin ito. Puwede to, puwede,’” natatatawa pa niyang kuwento.

Iginiit din ni Raymond nahindi niya naging peg si BB Gandanghari para sa karakter ni La Greta.

“Hindi ko naging peg si BB Gandanghari. Siguro nagkataon lang,” paglilinaw pa niya.

Kasama ni Raymond sa Love Is Love si Jay Manalo na gumaganap na boyfriend niya, Roxanne Barcelo, Rufa Mae Quinto at JC de Vera.

Ipapalabas na ang pelikula simula December 4 mula sa RKB Productions.