Robin Padilla at Sharon Cuneta, nagkapatawaran na

Robin Padilla, pinasalamatan si Sharon Cuneta dahil ‘friends na uli’ sila.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2019 10:51 AM
Robin Padilla at Sharon Cuneta, nagkapatawaran na


Photo credit: @reallysharoncuneta IG

Naging maganda ang pasok ng 50th birthday ni Robin Padilla matapos siyang batiin ni Sharon Cuneta at malaman ang naging mensahe ng Megastar.

Para sa kanya, “friends na uli” sila at sinabing, “(Eto na po kahit late Robin Padilla Huwag na po tampo.) Belated Happy Birthday, Robin! I wish you continued happiness in both your family life and career. More success and blessings! Friends (na uli) always.”

 

 

Natuwa naman ang action star at pinasalamatan si Sharon dahil napatawad na niya ito.

“Ayun!!! Kumpleto na ang 50th birthday ng golden boy. Maraming maraming salamat sa iyong pagpapatawad sa akin to napakahalaga nito lalo sa oras na ito ng ating mga buhay,” ani Robin.

Matatandaang noong 2018 ay inihayag ni Megastar ang pagkadismaya at tampo sa kanyang kaibigan dahil hindi ito sumipot sa kanyang concert na “My 40th Year Sharon.”

“Hay nako, na-hurt ako. Inimbita ko manood ni walang sagot. Di na ako kilala, ang bilis makalimot! Di na mauulit 40th ko. Pero sa ABS-CBN Ball may time siya,” ani Sharon sa social media noon.