• Home
  • Fresh Scoops
  • Netizens, nadala sa teaser ng MMK na pagbibidahan ni Julia Barretto

Netizens, nadala sa teaser ng MMK na pagbibidahan ni Julia Barretto

Bida si Julia Barretto sa isang episode ng Maalaala Mo Kaya na ipapalabas sa Nobyembre 30.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2019 2:12 PM
Netizens, nadala sa teaser ng MMK na pagbibidahan ni Julia Barretto


Photo credit: @mmkofficial IG

Nadala naman ang netizens sa inilabas na teaser ng ABS-CBN para sa November 30 episode ng Maalaala Mo Kaya na pagbibidahan ni Julia Barretto.

Itinalakay sa teaser ang kwento ng isang dalagang may bipolar disorder. 

“Sa tingin niyo ba ginusto ko ‘to? Tapos sasabihin niyo, gawa-gawa lang ‘yung sakit na ‘to,” sambit ni Julia na gaganap bilang si Ayie.

Sa personal na Instagram account ni Julia ay sinabi niyang mahalagang masuportahan ang mga taong may mental health issues.

 

 

“It’s a condition, not a decision. It’s important to listen to and support those who are struggling with their mental health.”

Makakasama rin dito ni Julia sina Jameson Blake at Ara Mina.