• Home
  • Fresh Scoops
  • Gazini Ganados, patungo na sa USA para sa 2019 Miss Universe pageant

Gazini Ganados, patungo na sa USA para sa 2019 Miss Universe pageant

Byaheng Atlanta, Georgia, USA na ngayon si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados para sa kanyang magiging laban sa Miss Universe pageant ngayong December 8.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2019 3:48 PM
Gazini Ganados, patungo na sa USA para sa 2019 Miss Universe pageant


Photo credit: @gazinii IG

Byaheng Atlanta, Georgia, USA na ngayon si 2019 Miss Universe Philippines Gazini Ganados para sa kanyang magiging laban sa Miss Universe pageant ngayong December 8.

Suot ang royal blue Filipiniana dress, angat na angat ang ganda ng ating pambato para sa prestihiyosong Miss Universe pageant.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Eto na talaga siya!!!😭😍🙌😘 @nutnaaaat #missuniversephilippines #MissUniverse #missuniverso

A post shared by Gazinifeed (@gazinifeed2.0) on

 

Mainit rin na sinalubong si Gazini ng Pinoy pageant fans na maagang gumising para magbigay suporta sa ating kandidata.

 

 

Sa Umagang Kay Ganda, pinasalamatan din ni Miss Universe PH ang kanyang mga supporters.

“Maraming, maraming salamat po sa inyong lahat, alam ko po na ginagabayan niyo po ako ng inyong mga dasal, to all my prayer warriors, sa mga Cebuano, thank you so much sa inyong suporta,” sabi pa ni Gazini.

Kung papalarin si Gazini, magiging pang-limang Miss Universe na siya ng Pilipinas.