• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Mae Cruz-Alviar, pinuri si Bea Alonzo sa kanyang professionalism

Direk Mae Cruz-Alviar, pinuri si Bea Alonzo sa kanyang professionalism

“She's not going to ditch work or abandon work just because she's going through something. She will be a pro, she will show up and she will do her job well,” ani ng “Unbreakable” director kay Bea Alonzo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2019 1:31 PM
Direk Mae Cruz-Alviar, pinuri si Bea Alonzo sa kanyang professionalism


Pinuri ng direktor ng pelikulang Unbreakable na si Mae Cruz-Alviar si Bea Alonzo sa pagiging professional nito sa kabila ng pinagdaanang breakup nila ng dating nobyo na si Gerald Anderson.

“She’s a pro. It’s a rule naman on the set and she's always been like that. She’s always been a pro. She’s not going to ditch work or abandon work just because she’s going through something. She will be a pro, she will show up and she will do her job well,” ani ni Direk Mae sa ginanap na blog conference para sa nasabing Star Cinema film nitong Lunes.

“And it's like, it’s not going to be a burden on her or on us. So I have to give it to her. She knows to how to be professional and she values not only ‘yung work niya, pati 'yung work ng ibang tao,” dagdag niya.

Maging ang co-stars ni Bea sa Unbreakable na sina Angelica Panganiban at Richard Gutierrez ay pinuri ng direktor sa pagiging mahusay ng mga ito sa kanilang trabaho.

“They all have contributions to the characters to the story. Ang sarap makatrabaho ng mga artistang alam ang ginagawa nila at passionate about it. Hindi lang sila passionate, mahuhusay pa sila. It was such a blessing that I was given this opportunity to work with them,” aniya.

Samantala, naniniwala si Direk Mae na itinadhana ang Unbreakable, na umiikot sa kwento ng dalawang magkaibigang sinubok ng pagmamahal, para kina Bea at Angelica.

“Everything happens for a reason and always in God’s perfect time. So I feel that itong project na ito ay talagang itinadhana na sa ganitong panahon mangyari, maganap at sila 'yung gumanap sa mga karakter na ito,” aniya.

Ayon kay Direk Mae, nasaksihan niya kung paano na-“intensify” at mas lalong tumibay ang pagkakaibian ng dalawang aktres habang shinu-shoot nila ang nasabing pelikula.

 

 

“‘Yung chikahan nila talagang non-stop and talagang they‘re in one room, one tent lang, pinagsama talaga. Para talagang at least you know, throughout the process ay magkasama sila at mas ma-intensify pa ‘yung bond. Not that they don’t have the bond even before sa story con. Noong first time ko silang makasama ay ramdam na ramdam mo na 'yung energy and the chemistry, lalo pa sa shoot, because they were put in one tent or one room, talagang non-stop. As in ang ingay sa tent nila. You know how girl friends are,” aniya.

“And ang saya nila together. And even if ‘yung hindi masaya. Kasi hindi naman 100% ay palagi kang masaya, hindi ba? People go through things and when one is going through something parang nagbibigay ‘yung isa, ‘oh give her space.’ Kapag ‘yung isa naman may nararamdaman din, ‘oh give her space.’ Parang naramdaman mo na talaga na nagka-chemistry at na-bond pa sila lalo,” dagdag niya.

Nakatakdang ipalabas ang Unbreakable sa lahat ng mga sinehan simula nitong Miyerkoles, Nobyembre 27.