• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea Alonzo at Angelica Panganiban, inaming hindi nag-uusap noon

Bea Alonzo at Angelica Panganiban, inaming hindi nag-uusap noon

Naging malapit na magkaibigan muli sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban ngayong taon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/26/2019 12:30 PM
Bea Alonzo at Angelica Panganiban, inaming hindi nag-uusap noon


Isa sina Bea Alonzo at Angelica Panganiban sa mga maagang pumasok sa mundo ng showbiz at kahit na magkakilala na sila noong teenagers pa lamang, hindi sila naging malapit na magkaibigan.

Sa Tonight with Boy Abunda ay inamin ng dalawang Unbreakable stars na hindi na sila nakapag-usap dahil napaglayo na rin sila ng panahon ngunit itinanggi nilang nag-away sila o nagkaroon ng komprontasyon.

“This year lang kami nagkita ulit,” ani Angelica.

“This year, March,” dagdag ni Bea.

“Life happened. Maraming mga desisyon, maraming pagkakamali, maraming kinailangang understanding from both ends,” paliwanag ni Bea.

Dagdag ni Angelica, “Para kaming nag-grow apart. Parang wala nang nagri-reach out sa amin, nag-iba talaga tapos na-realize ko naman noon na ‘Okay lang ‘yan.’”

Wala naman daw kinalaman ang relasyon ni Angelica kay John Lloyd Cruz sa hindi nila pag-uusap.

“Parang nagkaroon ng iba’t ibang grupo so parang ‘yun na ‘yung last draw na ‘Okay na ‘to, ‘wag na lang muna tayo mag-usap,’” paliwanag ni Angelica.

Iginiit naman ng dalawa na hindi nila ayaw ang isa’t isa, sadyang hindi na lamang sila nagkaroon ng pagkakataon na maging malapit sa isa’t isa muli.

“Hindi kami ever nagkaroon ng confrontation, never. We just chose not to talk to each other but even then, even noong hindi kami nag-uusap, kapag may mga nababalitaan ako na things about her on TV or social media, you’d always wish for her happiness,” sambit ni Bea.

Sa kauna-unahang pagkakataon naman ay nagkatrabaho ang dalawa para sa pelikulang Unbreakable na ipapalabas na bukas, Nobyembre 27.