Arnel Pineda, may naisip na title para sa kanyang biopic

Sinimulan na ang shoot at pagbuo ng pagsasabuhay ng kuwento ni Arnel Pineda.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/26/2019 1:06 PM
Arnel Pineda, may naisip na title para sa kanyang biopic


Nagbigay update ang Journey band vocalist na si Arnel Pineda sa planong pagsasapelikula ng kanyang buhay.

 

 

Kuwento ni Arnel, nasimulan na rin ang shoot at pag buo ng kanyang kuwento na kapag natapos na ay unang mapapanood dito sa Pilipinas.

“As of now, hindi pa tapos we’re still in the process of interview and shoot with John M Chiu and the scriptwriter who made the movie Joker si Scott Silver,” sabi pa ni Arnel.

Ayon pa sa Journey band vocalist, gusto ng producer na maging detalyado at eksakto ang bawat detalye na mapapanood sa kanyang biopic.

“Ayun, iniinterview na nila ako, pero medyo pa kami kailangan gawin, para mas detailed kasi medyo matagal na din, so gusto nila detailed talaga,” aniya.

“Ang gagawin kasi nila is from yung start na bago ako maging member ng Journey band, simula nung may sakit ang nanay ko, pinapaalis kami sa apartment, namatay ang mother ko, nagkahiwa-hiwalay kami, hanggang sa naapasali ako sa Journey.”

At kung masusunod, may naisip na raw na title si Arnel para sa kanyang biopic.

“Wala pa pero parang maganda siyang gawin na ‘Crazy Little Asian’ (laughs) kasi ‘yung una ‘Crazy Rich Asian’ dahil hindi naman ako rich, little Asian na lang, pwede di ba?” pahayag ni Arnel.

Sa ngayon, abala si Arnel sa concert tour ng Journey band na magsisimula ngayong Disyembre at lilibot sa buong Amerika bago ang kanyang Valentine’s Day concert dito sa Pilipinas kasama si Yeng Constantino.