Roxanne Barcelo, tutok sa trabaho para makapag-move on

Emosyonal si Roxanne Barcelo habang sumasagot sa mga naging katanungan ng entertainment press sa media conference ng pelikulang Love is Love.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/25/2019 9:35 AM
Roxanne Barcelo, tutok sa trabaho para makapag-move on


Photo credit: @roxannebarcelo IG

Emosyonal si Roxanne Barcelo habang sumasagot sa mga naging katanungan ng entertainment press sa media conference ng pelikulang Love is Love.

Dito, hindi naiwasan ni Roxanne na balikan ang sunod-sunod na pagsubok na kanyang pinagdaanan sa personal na buhay at isa dito ang pagpanaw ng kanyang ama noong July 2019.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Every note, I dedicate to you.🌈❤️🙏 #ROXY #forTatay #forNanay #forBella #tntcelebritychampions

A post shared by Roxanne Barcelo (@roxannebarcelo) on

 

“Kung ano ang best mo alam ni Lord (umiiyak). Ito na yun eh! Sagad na ako eh! Bibigay ko na lahat! So yung natitira, i-ho-honor ni God yun. Yun ang na realize ko in this last season of 2019,” malungkot na kuwento ni Roxanne.

Pinasalamatan rin ni Roxanne ang patuloy na pagdating ng trabaho sa kanya para makalimot at dahil dito sa trabaho rin niya nai-focus ang kanyang atensyon.

“Sasagarin ko lahat ng emotions ko, ibibigay ko dito sa Love is Love lahat ng sakit na nararamdaman ko. I will divert it into the most creative way possible,” emosyonal na sabi pa ng singer-actress. 

Ayon pa kay Roxanne, naging inspirasyon niya ang lahat ng mga nangyayari sa kanya para maging matatag.

“I have been working since I was 13 and now is the time na binibigay ni Lord sa akin, so I will not allow this hardship or this loss to shake me,” pagpapatuloy niya. 

Ipapalabas sa mga sinehan ang Love is Love ngayong December 4.