• Home
  • Fresh Scoops
  • McCoy De Leon at Janella Salvador, nakatanggap ng life advice mula kay Maricel Soriano

McCoy De Leon at Janella Salvador, nakatanggap ng life advice mula kay Maricel Soriano

Ibinahagi nina McCoy De Leon at Janella Salvador ang mga páyong natanggap mula sa Diamond Star na si Maricel Soriano.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/25/2019 9:19 AM
McCoy De Leon at Janella Salvador, nakatanggap ng life advice mula kay Maricel Soriano


Photo credit: @regalfilms50 and @maricel.soriano.official IG

Parehong nakatanggap ng payo mula kay Maricel Soriano ang dalawa sa mga bida ng The Heiress, na sina McCoy De Leon at Janella Salvador. Sa eksklusibong interview ng PUSH sa dalawa, ibinahagi nila ang experience sa nasabing pelikula kasama ang beteranang aktres.

"Dapat handa, hindi mo naman kailangang sabayan (si Maricel) pero dapat handa ka," pahayag ni McCoy habang inaalala ang isang eksena nilang nagpakaba sa kaniya.

"Hindi ko makakalimutan nung init na init ako, tapos pawis na yung likod ko, si Miss Maricel pa yung nag-ayos ng bimpo ko. Nasa akin pa yung bimpo na 'yun, hindi ko pa nilalabhan," kuwento pa ng aktor.

Ayon kina Janella at McCoy, madalas na nagbibigay ng advice ang veteran star sa kanilang dalawa.

"Yung sinabi niya sa akin na, 'Andito ka na, i-master mo na yung craft mo'," sabi ni McCoy nang tanungin kung anong payo ang pinaka tumatak sa kaniya.

"Sabi niya naman sa akin --kasi nga na-starstruck ako. Sabi niya, 'Wag ganon dapat you have your own confidence. Dapat may sarili kang ano--dapat wag kang ma-intimidate, wag kang ma-starstruck sa iba," pagpapatuloy naman ni Janella.

 

 

WATCH: Maricel Soriano, ibinahagi ang sikreto sa kanyang pagpapapayat

Gaganap bilang mambabarang si Maricel sa pelikulang The Heiress. Bukod kay Janella at McCoy kasama rin sa pelikula si Sunshine Cruz.

Sa parehong interview, ikinuwento rin ni Janella ang ilang nakakatakot na experience habang nagte-taping sila sa haunted house, na ayon sa kaniya ay parehong bahay na pinag-shutingan din ng Bloody Crayons horror movie.

"Mayroong instance na --ang cutoff ay 2AM --may umiingay sa system, ayaw mawala. Parang siyang --hindi ko ma-explain yung sound e. Basta wala namang nag-iingay, hindi ako naka-lapel, so medyo weird," kuwento niya.

Mapapanood na sa mga sinehan sa November 27 ang The Heiress.