Kim Chiu, nakagat ng aso

Sinugod sa ospital ang aktres na si Kim Chiu matapos atakihin ng isang aso sa Bonifacio Global City.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/25/2019 8:51 AM
Kim Chiu, nakagat ng aso


Photo credit: @chinitaprincess IG

Ibinahagi ng Kapamilya actress na si Kim Chiu ang ilan niyang larawan matapos isugod sa ospital dahil sa pag-atake ng isang aso sa kaniya. Ayon sa kaniyang Instagram post nitong Linggo, November 24, ikinuwento ni Kim ang tangkang pag-amo niya sa 'stranger' dog na kumagat sa kaniya.

"Rushed to ER. Bitten by a 'small dog' in BGC.🙈 Lesson learned never pet a ‘stranger’ dog, just because they’re cute and small.

"To all the owners walking their dogs, please be mindful and always keep them on a leash. Look after them and never leave them unattended. Thank you to Shangrila Fort for the urgent assistance and St. Lukes BGC. #antirabiesshot," ayon sa kaniyang caption.

 

 

Makikita sa ilang larawan na kasama ni Kim ang boyfriend niyang si Xian Lim at ilang kaibigan, sa pagpunta sa ospital.

Agad namang bumuhos ng mga mensahe mula sa mga fans na hinihiling ang mabilis na paggaling ng aktres.