• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana supports daughter Callie’s dream of becoming a beauty queen and a pilot

Dimples Romana supports daughter Callie’s dream of becoming a beauty queen and a pilot

Ibinahagi din ng Kadenang Ginto actress na si Dimples Romana na may mga lumiligaw na sa kanyang anak.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/25/2019 10:14 AM
Dimples Romana supports daughter Callie’s dream of becoming a beauty queen and a pilot


Photo credit: @dimplesromana IG

Teenager na ang panganay na anak ni Dimples Romana na si Callie. Ligawin na rin daw ang 15-year-old daughter niya ng mga lalaki ngayon kaya medyo namomroblema na ang asawa niyang si Boyet Ahmee.

Ani Dimples na natatawa,  “Alam mo, wala akong problema. Yung daddy niya,  siyempre babae kasi ito so may mga manliligaw na.

“Akala ko nga sa cartoons lang nangyayaring may lumalabas na usok sa tenga, pwede pala yon in real life, ha, kasi pag tingin ko sa asawa ko may lumalabas na… Kasi si Callie, siyempre long-legged, ang ganda niya, eh, very Filipina beauty siya.”

Interesado rin daw sumali sa beauty pageant at maging beauty queen ang kanyang panganay.

“Actually, kinausap ko na sina Jonas (Gaffud), sabi ko, ‘Jonas, gustong mag-beauty queen ni Callie,’ so kung anong gusto. Ako naman, kita mo di siya nag-artista, kasi kung ako, kung ano ang gusto ng mga anak ko do’n tayo. Do’n tayo sa masaya sila,” sambit pa ni Daniela ng Kadenang Ginto.

Bukod sa pagiging beauty queen ay gusto rin daw ni Callie na maging piloto.

“STEM siya ngayon tapos ang kukunin daw niya kasi siya naman ang pumipili, ang kukunin daw niya ay Biochem, after Biochem mag-Aviation siya. Ang strength niya chemistry, pero gusto rin niyang mag-piloto.

“Tapos I think, in preparation she’s also getting into outreach programs, advocacies, kasi alam niya na kapag beauty queen ka tutulong ka, leg work ka, katulad nina Catriona, nina Pia,” kuwento pa ni Dimples.

Natatawa namang ikinuwento ni Dimples na napilitan siyang sumali noon sa beauty pageant dahil sa kagustuhan ng nanay niya.

“Si Mama ang gustong mag-beauty queen ako, pero pinagbigyan ko siya sa Binibining Paranaque kasi sabi ng nanay ko no’n kapag nanalo daw ako do’n, P150K ang cash, hati daw kami.

“So alam mong ginawa ko? Sumali ako, eh, nanalo ako, so bago ko binigay yung envelop sa nanay ko hati na – may P75 thousand ako. Ha-ha-ha.”

Hindi ba niya pinagbabawalan ang anak na magkaroon ng suitors?

“Naku hindi,” tugon ni Dimples. “Ang daddy ang istrikto. Pero si Boyet tinuturuan na niyang mag-target shooting si Callie. Bumabaril si Callie, I’m not kidding, bumabaril siya, kasi you can, sa mga firing range, so tinuturuan ng daddy niya.

“Pinagalitan ko nga si Boy, sabi ko, baka naman hindi ako magka-apo niyan. Gusto ko magkaroon ng… so I was telling Callie na,  ‘Baka puwede naman na mga 24, 25, mag-asawa ka na,’ para yung apo ko ay ma-enjoy ko,” huling tsika pa ni Dimples sa PUSH.