Orange and Lemons, handa na sa kanilang pagbabalik

Ang Orange and Lemons ang boses sa likod ng sikat na theme song ng ‘Pinoy Big Brother.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/24/2019 2:03 PM
Orange and Lemons, handa na sa kanilang pagbabalik


 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Bagets! @moonlanegardens group costume for tonight’s Halloween gig at 70s Bistro. #bagets #orangeandlemons

A post shared by Clem Castro (@clemcastro) on

 

Isang reunion concert ang inihahanda ng bandang Orange and Lemons na dapat abangan ngayong 2020.

Ito ang naging pahayag ng isa sa mga miyembro nito na si Clem Castro sa naganap na Christmas tree lighting ng Festival Mall sa Alabang.

 

“We might do a concert, since we all back together. Both locals and hopefully international tours to promote the album,” aniya sa panayam ng press.

Kuwento ni Clem, labis nilang na miss ang mundo ng musika matapos nilang mag lie low bilang isang grupo.

“Kami rin naman na-miss namin ang music, ‘yun nga lang siyempre hindi na katulad ng dati, times are changing, wala na rin ‘yung dati naming miyembro may bago kaming members, so may mga changes,” sabi pa ng Orange and Lemons.

“So far maganda naman ang acceptance ng music fans and were happy for that.”

Aniya ang kasabay ng pagpapahalaga sa kanilang mga musika, ang magandang pagtanggap ngayon sa OPM ang isa sa mga nag-tulak kay Clem at Orange and Lemons na muling magbalik sa music scene.

“We want to protect our legacy, we want to preserve our songs, our production, kaya nga ‘yung first album namin, niri-record namin lahat ulit so ni-release ulit namin as part of 15th years ng album,” sabi pa ni Clem.

Sa kanilang pagbabalik abala ngayon ang Orange and Lemons sa nalalapit na release ng kanilang bagong single na “Ikaw Ang Aking Tahanan” ngayong December 6.