• Home
  • Fresh Scoops
  • Maymay Entrata, ibinahagi ang mga natutunan sa kanyang karakter sa ‘MMK’

Maymay Entrata, ibinahagi ang mga natutunan sa kanyang karakter sa ‘MMK’

Ibinahagi ni Maymay Entrata ang mga bagay na natutunan niya sa kanyang karakter sa episode ng “Maalaala Mo Kaya” nitong Sabado.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/24/2019 3:05 PM
Maymay Entrata, ibinahagi ang mga natutunan sa kanyang karakter sa ‘MMK’


Photo credit: @maymay on Instagram

Ibinahagi ni Maymay Entrata ang mga bagay na natutunan niya sa kanyang karakter sa episode ng "Maalaala Mo Kaya" nitong Sabado.

Sa nasabing episode, binigyang buhay ni Maymay at on-screen partner na si Edward Barber ang madamdaming kuwento ng magkasintahan na hinamon ng karamdaman.

"Sa lahat ng na portray kong karakter, ito na yata ang pinakamadami kong natutunan," ani ng aktres, na gumanap bilang si Max na pumanaw dahil sa cancer, sa isang Instagram post.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Sa lahat ng na portray kong karaketer, Ito na yata ang pinakamadami kong natutunan. Maraming salamat Maxine Blanco sa Family din ni Max @belle_blanco888 at shempre kay @_gabsiee dahil binahagi nyo sa buong mundo ang iniwan na legacy ni Max sa ating lahat ang #LiveLifeToTheMax 🌻Salamat Max dahil natutunan kong mas e embrace ang mga bagay na meron ako ngayon, mas e appreciate ang oras na meron pa ako para sa pamilya ko, at sa mga gusto kong gawin sa buhay at tutulungan ko. “Hangga’t may oras pa, Go for it! Kasi isang araw BOOM! we’re running out of time na pala para gawin ang mga gusto natin.” Habang buhay kong daladala to sa puso ko. Salamat Max ❤️ - P.S @edward_barber ! Nakakaproud ka dong sobra, yung mga panahon na nag da doubt ka ay worth it, kasi pinili mong gawin kaysa sumuko. At masaya ako na kasama kita sa lahat ng to! All Glory to God! 🙌🏻❤️ Hindi din to magiging posible kundi dahil sayo direk @kevinalambra ! Mas naging open at inembrace namin ang karakter dahil ipinaramdam nyong safe at komportable kami. Congrats Direk! At sa ating lahat! At sa buong Cast po ng MMK! starring Ms. @yayoaguila, Mr. @gerardpizarras, Ms. @pinkyamador, Mr. @fjlaurel, @imjcalcantara, @igiboyflores31, @tanredroncal. Beautifully written by sir @akeemdelrosario Mr. @ruellie, researched by Ms. @ginagabykana, produced by Ms. @janeequinto Ms. @tellagianan Ms. @shioniverse. Under the management of Executive Producer Ms. @kat_juban, Creative Manager @direkdon, and Business Unit Head @rekdibayani. Special thanks to Ms. @charosantos sa tiwala. Thank you po maam 🙏🏻 Also to Ms. @anagfeleo alam mo na mam, maraming salamat po 🙏🏻 At sa mahal naming MAYWARD FAMILY Solid May&Ed! Salamat sa walang hanggang suporta at mahal namin kayo. ❤️ #ThisIsForYouMax #LiveLifeToTheMax 🌻

A post shared by MayMay Entrata (@maymay) on

 

"Salamat Max dahil natutunan kong mas e embrace ang mga bagay na meron ako ngayon, mas e appreciate ang oras na meron pa ako para sa pamilya ko, at sa mga gusto kong gawin sa buhay at tutulungan ko. 'Hangga’t may oras pa, go for it! Kasi isang araw BOOM! we’re running out of time na pala para gawin ang mga gusto natin.' Habang buhay kong daladala to sa puso ko. Salamat Max," patuloy niya.

Nagpasalamat din si Maymay sa pamilya ni Max at nobyo nitong si Gab "dahil binahagi niyo sa buong mundo ang iniwan na legacy ni Max--ang #LiveLifeToTheMax."

Samantala, nagbigay din ng kanyang mensahe si Maymay para sa kanyang love team partner.

"P.S. [Edward], nakakaproud ka dong sobra, yung mga panahon na nag da doubt ka ay worth it, kasi pinili mong gawin kaysa sumuko. At masaya ako na kasama kita sa lahat ng to! All Glory to God!" aniya.