Masayang sinalubong ng mga bata mula sa Childhaus shelter sa Quezon City, ang pagbisita ni Karla Estrada.
Kasama sa selebrasyon ng kaniyang kaarawan nitong November 21, nagbigay rin ng kaniyang maagang pamasko si Karla sa mga bata ng naturang children's home.
"It's always a blessing na nabibigyan tayo ng pagkakataon na tumulong, magbigay at mag-share ng blessings natin at sinasabi natin lahat ng ito para marami pang ma-inspire na tumulong din," pahayag ni Karla sa interview ng PUSH at ABS-CBN News.
Ayon sa moshie host, sampung taon nang nakakaraan noong una niyang nalaman at binisita ang Childhaus kasama ang kaniyang anak na si Daniel Padilla. Sa pagbisita niya kamakailan, kasama naman ni Karla ang kaniyang non-showbiz boyfriend at ang kanyang pamangkin na si Jordan.
Read:Karla Estrada on vacation with rumored BF in Palawan
"Alam nating maraming mga nahihirapan sa buhay, ano pa kaya yung mayroon ka pang anak na may sakit. Ako, my heart really goes to the children na may sakit. Minsan kapag kasama ko, nahihirapan ako, kasi mahirap sa damdamin na may ganon silang nararamdaman. Pero, kailangan mong tibayan ang loob mo para mas mas marami kang matulungan," paliwanag ni Karla na nagpapasalamat sa pagtanggap sa kaniya ng Childhaus.
Read:Karla Estrada, nakatanggap ng engrandeng welcome parade sa kanyang hometown | Push TV
Sa kaniyang morning talk show na Magandang Buhay, kasama ni Karla ang mga kapwa momshie hosts na nag-celebrate ng kaarawan sa hometown niya sa Antique.