• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Jin Macapagal, hindi ini-expect na bibida agad sa pelikulang ‘Damaso’

EXCLUSIVE: Jin Macapagal, hindi ini-expect na bibida agad sa pelikulang ‘Damaso’

Bidaman grand winner Jin Macapagal, masaya sa naging partisipasyon sa una niyang pelikula.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/24/2019 11:56 AM
EXCLUSIVE: Jin Macapagal, hindi ini-expect na bibida agad sa pelikulang ‘Damaso’


Photo credit: @jinmacapagal_on Instagram

Hindi ini-expect ng Bidaman grand winner na si Jin Macapagal na magiging malaki agad ang role niya sa historical/musical film na Damaso. From beginning to end kasi ng pelikula ay makikita ang character niyang si Crisostomo Ibarra.

Ang Damaso ay isang all-star cast film na joint project ng Regis Films and Reality Entertainment directed by Joven Tan. Bukod kay Jin, kasama rin sa pelikula sina Ejay Falcon, Vina Morales, Ketchup Eusebio, Aiko Melendez, Marlo Mortel, Ariel Rivera, Nyoy Volante at marami pang iba.

“Sobra po akong masaya sa naging partisipasyon ko sa movie,” initial reaction ng first time movie actor sa exclusive interview ng PUSH.

“To be honest po, may mga parts ako na gusto sanang pagandahin pa pero happy po ako sa nakita ko and isang malaking karangalan na po to portray Crisostomo Ibarra, pero yung ganun pa pong exposure, sobrang nakakatuwa po,” dugtong pa niya.

Ikinatuwa din ng binata na kahit hindi siya ang first or original choice for the role ay sa kanya naibigay ang chance na gumanap bilang Crisostomo Ibarra.

“Opo. Sabi nga po nila marami raw kinonsider for the role. Pero siguro po may dahilan talaga ang lahat kaya sa akin naibigay si Crisostomo,” sambit niya.

Hindi rin daw siya nakaramdam ng intimidation with his co-actors habang ginagawa ang pelikula dahil supportive naman ang mga ito sa kanya.

Kuwento niya, “Nakakatuwa po na nung pinakaunang araw ko sa set ay hindi ko na-feel na yung, ‘Ah, eto ba yung kinuha natin?’ Nakita ko po sa kanila na masaya sila kasi, ‘Uy, bagay na bagay yung kinuha nating Ibarra sa role.’ Very welcoming sila sa set and maganda po yung experience ko sa pagsu-shoot namin.

“Yung intimidation, yon din po agad ang una kong naisip kasi nga mga veteran actors ang kasama ko, tapos first time ko lang po siyempre, pero malaking bagay po na marami akong natutunan sa kanila. Kapag may mga eksena po kami tinutulungan nila ako, nagbibigay po sila at marami po akong magagandang aral na nakuha – work ethics. Napakagandang experience po.”

Binanggit naman ng Damaso director na nakapag-deliver daw si Jin kung pag-arte ang pag-uusapan. Ikinumpara pa nga niya si Jin bilang newcomer sa veteran actor na si Joel Torre.

“Every time na nagte-take kami naghihintay ako ng reaksyon sa kanya kung okay po ba yung ginawa ko. And siya, parang relax lang siya, nakikita ko sa kanya yung tiwala na binigay niya sa akin. And yon po, pinanghawakan ko yon and happy po ako na para sa kanya nagawa ko po yung trabaho ko,” reaksyon ng binata.

Magaganda ang mga dramatic scenes ni Jin sa Damaso at halatang komportable siyang gawin ito. Gusto ba niyang tahakin talaga ang pagiging dramatic actor?

“I’m exploring, pero feeling ko po yon po yung, kumbaga medyo komportable po ako. Pero through time and experience malalaman ko rin po siguro kung saan talaga ako nababagay at malalaman ko yung gusto kong gawin pero open naman po ako sa kahit ano,” huling pahayag ni Jin sa PUSH.