• Home
  • Fresh Scoops
  • Janella Salvador, masaya na sa estado ng relasyon niya sa mga magulang

Janella Salvador, masaya na sa estado ng relasyon niya sa mga magulang

“It’s a special part of my life right now,” nagbigay din ng mensahe si Janella Salvador sa mga kabataang pinagdadaanan ang parehong sitwasyon nang tulad sa kaniya noon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/23/2019 12:06 PM
Janella Salvador, masaya na sa estado ng relasyon niya sa mga magulang


Photo credit: @j9desire on Instagram

Masayang nagbigay ng update si Janella Salvador tungkol sa kasalukuyang estado ng kaniyang relasyon sa inang si Jenine Desiderio at amang si Juan Miguel Salvador.

"We're very much okay, both sides. I'm okay with my dad, I'm okay with my mom. It's actually such a special part of my life right now," pahayag ni Janella sa intervew niya sa PUSH Bets Live.

"I'm sure people know na lumaki na may isang hindi okay... I had a lot of obstacles and problems growing up, but now I'm like at a place na super in peace kasi sobrang okay kami, pagpapatuloy ng aktres.

Nitong Agosto, tinuldukan ni Janella ang pinagdaanang love-hate relationship niya sa kaniyang ina, sa isang episode ng Magandang Buhay.

Read: Janella Salvador, ceasefire na sa inang si Janine Desiderio

Sa parehong morning talk show nitong Abril naman, unang nagkasama para sa TV guesting sila Janella at ama niyang si Juan Miguel. Dito ikinuwento nila ang mluing pagkikita matapos ang maraming taong nagkahiwalay.

 

 

Nang tanungin naman si Janella kung anong mensahe ang maibibigay niya sa ibang kabataang nakaranas ng parehong pagsubok, "I think it's normal to go through problems with your parents, go through rough patches, the important thing is you learn from [that].

"Kasi ang na-realize ko is no matter how much learned, no matter how old you are, at some point talaga hahanapin mo pa rin yung parents mo. Hahanapin mo yung love nila, yung warmth nila basta you're gonna need them at some point, basta, just love them," sabi ni Janella.

Bida si Janella sa bagong horror movie na The Heiress. Mapapanood ito sa mga sinehan simula November 27