• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Heto ako, dancer at business woman’: Mia Pangyarihan, ipinagmalaki ang kaniyang sariling restaurant

‘Heto ako, dancer at business woman’: Mia Pangyarihan, ipinagmalaki ang kaniyang sariling restaurant

Muntikang maging emosyonal ang dancer at ngayon ay negosyante na rin, na si Mia Pangyarihan habang ibinabahagi kung gaano siya ka-proud para sa sarili ngayon.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/23/2019 11:52 AM
‘Heto ako, dancer at business woman’: Mia Pangyarihan, ipinagmalaki ang kaniyang sariling restaurant


Ibinida ng Sexbomb dancer na si Mia Pangyarihan sa PUSH ang kaniyang Korean-Japanese restaurant sa Quezon City na Yoshi-Meat-Su. Sa kaniyang interview para sa PUSH Star Peek, inamin ni Mia na hindi niya inakala nung una na magiging ganap na negosyante siya.

"Ang hilig ko lang kumain talaga. Nung nagkaroon ako ng business na food, sabi ko, 'Ay ito pala talaga ang para sa akin," ani Mia.

Bukod sa Yoshi-Meat-Su, pagmamay-ari din ni Mia ang isa namang Chinese restaurant na Templo.

Ayon pa sa dancer at aktres, marami na ring negosyo niya ang bumagsak bago ang kaniyang dalawang restaurant.

"Sa lahat ng tao na gustong magtayo ng business, try ng try lang. Kasi kung hindi mo mararamdamang dumapa, hindi ka rin [matututo] kung paano bumangon. So marami-rami na rin naman akong business na bumagsak, and yet hindi naman pwedeng doon na ako matapos, kailangan mag-move forward," payo ni Mia sa mga nag-iisip na pasukin ang pagnenegosyo.

Ngayong isang successful na business woman na, naging bukas si Mia sa PUSH sa kung gaano siya ka-proud ngayon para sa sarili.

"Sobra akong na-proud sa sarili ko. Tapos siguro yung naging proud din sa akin yung family and friends. Siyempre aminado naman ako na hindi nakatapos ng pag-aaral, unlike nung ibang [negosyante]. Hindi ko iniisip na kaya kong gawin, pero eto ako.

"Yung ibang tao [pwedeng sabihin] 'Nako, dancer lang 'yan', maraming ganon. [Ngayon] parang, o eto dancer ako, at businesswoman ako," kuwento ni Mia na muntik nang maging emosyonal.

Panoorin ang buong interview dito:

 

Read:Original Sexbomb Girls, may sagot sa mga nagsasabing 'malaswa' ang pagsasayaw nila

Isa si Mia sa mga orihinal na miyembro ng Sexbomb, kasama sila Rochelle Pangilinan, Sunshine Garcia, Cheche Tolentino, Aira Bermudez, at iba pa. Sa ngayon, aktibo pa rin si Mia at ang grupo sa mga gigs at paglabas sa ilang serye at pelikula.