• Home
  • Fresh Scoops
  • EXCLUSIVE: Vina Morales, ikinuwento kung kanino siya nabaliw sa pag-ibig noon

EXCLUSIVE: Vina Morales, ikinuwento kung kanino siya nabaliw sa pag-ibig noon

Wala naming pinagsisihan si Vina Morales sa mga kabaliwan niya sa pag-ibig noon.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/23/2019 11:06 AM
EXCLUSIVE: Vina Morales, ikinuwento kung kanino siya nabaliw sa pag-ibig noon


Photo credit: @vina_morales on Instagram

Aminado ang 44-year-old singer-actress na si Vina Morales na dumaan din siya sa punto ng buhay niya na talagang nabaliw siya sa pag-ibig.

Aniya, “Oo, naging baliw ako sa pag-ibig nung kabataan. But I learned, ngayon, maski papaano nasasaktan ka na lang if the relationship doesn’t work pero hindi ka na nababaliw-baliw tulad ng dati. Natuton a rin naman ako na naging matatag.”

Eh, kanino ka ba talaga siya nabaliw noon sa pag-ibig?

“Sa pag kakaalala ko, eh, siyempre yung kay Robin (Padilla). Oo, alam naman ng lahat yon na baliw-baliw ako no’n, Sisa ako non. At kasama ka don, kasama ka sa mga nagsulat, so yon talaga yon,” natatawa niyang pagre-recall at pag-amin sa PUSH.

“After that, siyempre nabaliw din ulit ako sa pag-ibig (sa tatay ni Ceana) but medyo slight na lang. Ganun yata talaga, di ba, parang pag first heartbreak mo feeling mo magugunaw na ang mundo mo, so dumaan naman ako diyan,” hirit niya.

Pero sa mga kabaliwang pinagdaanan niya noon ay wala naman daw siyang pinagsisisihan lalo na nung naging ina siya ni Ceana.

“Ang sarap kayang maging nanay… Wala naman akong pinagsisihan sa buhay ko. I always think naman na sa mga masasakit na nangyari sa buhay ko, thankful ako kasi naging matatag ako, at naging ganito ako ngayon dahil sa mga naranasan ko.

“And you just have to think also the good things kasi minsan nakakalimutan natin yon, eh, diba? Kaya karamihan ng mga kabataan ngayon nade-depress kasi tinitingnan nila yung mga negative na nangyayari sa buhay nila, but if you just think positively and thankful ka lang, and of course prayer, magiging light yung emosyon mo,” payo niya sa mga kabataan.

Ibinahagi rin sa PUSH ni Vina ang maikokonsider niyang “darkest moment” ng buhay niya.

“Alam mo, actually marami, hindi mo maiiwasan na… There was a time naman na gusto ko na ring tumigil sa trabaho kasi nakakapagod din. Everyone knows naman na I started when I was nine years old, so nine years old pa lang puyat na ako, ang dami ng pressure na napagdaanan.

“Ang dami naring intriga, iko-compare ka sa ganito, napagdaanan ko lahat yan. And I’m just thankful that my family is there to back me up. Talagang kailangan mo lang mag-survive, eh, di ba?” kuwento pa ng singer-actress.

Ayon pa sa isa sa cast ng Sandugo, at her very young age ay tumatak na sa utak niya kung paano maging professional.

Lahad niya, “Kailangan you always have to give your best, so minsan pag nagpe-fail ka sa performance mo lalo na mahal mo yung trabaho mo, nakakalungkot kasi parang na-disappoint mo yung sumusuporta sa yo, yung naniniwala sa ‘yo.

“So para sa akin failure yon, pag hindi ko naibigay yung best ko. I have to be professional at yon yung training ko, buti na lang na-survive ko yon at hindi naman ako nag-give-up kasi tatlong dekada na nandito pa rin ako,” pagbabahagi niya.

Pero bukod daw sa pagiging professional, dapat ay marunong ding makisama ang isang artista para tumagal siya sa industriya.

“Kasi hindi lang naman talento din ang kailangan dito sa ano, eh. Ang dami pang talent, pero yung iba hindi nagtatagal kasi hindi nila alam kung paano i-handle yung pakikisama sa kapwa artista, katrabaho. So, I guess yung attitude din, kailangan at importante dito sa business na ito yung you have to be professional.

“Kasi kung magaling ka nga tapos hindi ka naman professional enough, siyempre hindi ka na kukunin. Ganun lang naman dito sa trabahong ito, yon ang natutunan ko para tumagal sa ganitong industriya,” paliwanag sa PUSH ni Vina.