• Home
  • Fresh Scoops
  • Cyrille Payumo, ‘di inasahan ang tagumpay sa Miss Tourism International

Cyrille Payumo, ‘di inasahan ang tagumpay sa Miss Tourism International

Tatlong linggo lang ang naging paghahanda ng 2019/2020 Miss Tourism International na si Cyrille Payumo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2019 12:49 PM
Cyrille Payumo, ‘di inasahan ang tagumpay sa Miss Tourism International


Photo credit: @ms.payumocyrille on Instagram

Hindi inasahan ng 2019/2020 Miss Tourism International na si Cyrille Payumo na maiuuwi niyang muli ang korona sa naganap na Miss Tourism pageant sa Kuala Lumpur, Malaysia.

 

Read:Pinay beauty queen, wagi sa Miss Tourism International

“Actually not at all pero, ang nagpapa-motivate sa akin na pagdating mo doon always think na the crown is on your head, so that’s help me motivate to bring home the crown,” pahayag ni Cyrille sa kanyang homecoming media press conference.

Dahil kilala ang Pilipinas bilang isa sa mga bansang fan ng beauty pageant, aminado ang Pinay beauty na malaking advantage rin Ito sa kanyang pagningning para makuha ang korona.

“I think the Filipino representative, they go to an international pageant, they were always ready and prepared, with their hearts and in their minds. I think that’s the secret of every Filipino representing our country internationally,” aniya pa.

At sa kanyang naging laban, hindi umano naramdaman ng Pinay beauty queen ang kompetisyon dahil sa kanyang mga kasamahan.

“There’s a lot of lovely girls during my batch.” Aniya pa, mas kabado umano siya sa maging laban noon ng lumaban siya sa Mutya Pilipinas. “I only had three weeks to prepare, so I made sure na everything is done when I fly to Malaysia for the competition na I’m fully prepared.”

Matatandaan rin na si Cyrille Payumo ang napiling pumalit kay Tyra Goldman na nagkaroon ng issue dahil sa kanyang dual citizenship.

Read:Dual citizenship ng Pinay beauty, issue ngayon sa Miss Tourism International pageant

Naniniwala rin si Cyrille na ang kanyang pagkapanalo ay naayon rin plano ng kanyang panalangin. “It’s God’s plan talaga, because I never think na for short period of time makukuha ko po ang korona,” pahayag pa niya.

Si Cryrille Payumo pang limang Pinay beauty na nakasungkit ng korona mula sa Miss Tourism International na huling nakuha ni Jannie Loudette Alipo-on noong 2017.