• Home
  • Fresh Scoops
  • BoybandPH Joao Constancia nag-react sa isyung threat sa kanila ang SB19

BoybandPH Joao Constancia nag-react sa isyung threat sa kanila ang SB19

Fan daw siya ng SB19, ayon kay Joao Constancia.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/23/2019 11:17 AM
BoybandPH Joao Constancia nag-react sa isyung threat sa kanila ang SB19


Photo credit: @boyband_joao on Instagram

Kasama ang BoybandPH member na si Joao Constancia sa Star Cinema movie na Unbreakable nina Bea Alonzo, Angelica Panganiban at Richard Gutierrez na showing on November 27. Pero ayon sa singer, hindi raw ito nangangahulugan na break na sila ng mga kagrupo niya sa BoybandPH na katulad ng mga napapabalita.

“Wala naman pong break sa amin sa BoybandPH. To be honest, the situation with us right now is there’s no disbandment, we’re still together,” paglilinaw agad ni Joao.

Dagdag pa ng binata, “I guess, we’re just given the opportunity to go solo to explore our career path here in showbiz lalo na sa acting. Ako naman po, yon po naman talaga ang gusto ko, eh, ang umarte, so I guess the management and even the boys alam nila yon, and they support me with my dream.

“Matagal na po na gusto ko talagang mag-acting talaga. Masaya rin po sila sa akin and they’re very supportive talaga.”

Hind kaya ang dahilan ng tsismis na mabubuwang na ang BoybandPH ay dahil sa biglang pagsulpot sa ekena ng P-Pop group na SB19 na hindi namaawat ang kasikatan ngayon?

“To be honest, there’s no feud or problem with us. I love SB19 because I adore their hard work and preparation for their craft and talent, sobrang galing po nila,” paliwanag ni Joao.

“We also wish sometime that we had the same training, you know, the process that they’ve gone through, but I guess we’re both different groups naman po talaga. So, there’s no issue with SB19 and with the disbandment, I guess it’s time na rin po for us to grow as an individual artist in the industry,” sey ulit niya.

Hindi ba sila nati-threaten sa SB19?

“Hindi po. We’re not threatened,” diretsong sagot ng binata sa tanong namin.

“We’re actually happy na there’s another group in the industry. We’re happy to see that they’re also growing na rin po. It’s not a problem, there’s no issue naman with them,” pagkakalaro pa niya.

Inamin din ni Joao na kahit siya ay fan din ng SB19.

Aniya, “I’m a fan of SB19…  I’m a fan.”

Nagbigay din siya ng mensahe sa grupo.

“Keep doing what you do men, love you guys.  It’s really cool to see what you guys can do,” sambit pa niya.

Withhis relationship naman sa ex-girlfriend na si Sue Ramirez, umaasa si Joao na balang araw ay magkakaayos din sila ng dalaga.

“I guess sometimes, you know, we have to let people go to grow by themselves. It’s just part of who we are, I guess we just needed time for ourselves and to focus on ourselves muna po.
“I tried, we tried to fix things again, patch things up together pero she wants to focus on herself muna and her career so I want to give her also the space that she wantsand needs naman. Hopefully thing will work out again in the future, I’m praying,” pahayag pa ng guwapong singer-actor