Bela Padilla, handa na nga ba pumasok sa isang relasyon?

Time out muna sa love life si Bela Padilla

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/23/2019 12:58 PM
Bela Padilla, handa na nga ba pumasok sa isang relasyon?


“Single forever”.

Tila ito ang muna raw ang status ngayon ng puso ni Bela Padilla na bibida sa pelikulang Mañanita.

Kuwento ni Bela, mas gusto niyang pagtuunan ng pansin sa ngayon ang mga dumarating na trabaho.

“I would be sad if ten years from now, kung hindi ko nagawa itong mga ‘to tapos napanood ko, tapos sasabihin ko sa sarili ko, ‘sana ako na lang’ so mas lalo ako malulungkot,” aniya pa sa press.

Ayon pa kay Bela, ang shooting na rin ang kanyang nagiging oras sa sarili.

“Shooting is my me time,” aniya. “Comfort zone ko na ‘to, pag wala ako sa shooting, mag iisip ako kung kailan kaya ako magkaka shooting ulit (laughs). Nag eenjoy po ako ngayon masyado sa pelikula.”

Dahil mas napapadalas ngayon sa abroad, nakatuwaan na itanong kay Bela kung may posible ba na magkaroon siya ng foreigner lover.

“Actually parang feeling ko nga parang mas doon ako bagay. Kasi ‘di ba very ano ako pati magsalita, very straightforward, opinionated so baka naman? (Laughs),” masayang tugon ni Bela.

Sa ngayon, abala si Bela sa nalalapit na pagbubukas ng Mañanita ngayong December 4 sa direksyon ni Paul Soriano.