• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘Sa wakas magiging maligaya ka na rin’: Maricel Soriano, masaya sa bagong pag-ibig ni Vice Ganda

‘Sa wakas magiging maligaya ka na rin’: Maricel Soriano, masaya sa bagong pag-ibig ni Vice Ganda

Masaya ang nanay-nanayan ni Vice Ganda na si Maricel Soriano para sa bagong pag-ibig niya kay Ion Perez.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/22/2019 11:29 AM
‘Sa wakas magiging maligaya ka na rin’: Maricel Soriano, masaya sa bagong pag-ibig ni Vice Ganda


Proud na ipinakilala ni Vice Ganda sa kaniyang nanay-nanayan na si Maricel Soriano, ang kaniyang bagong pag-ibig na si Ion Perez, sa episode ng It’s Showtime nitong Huwebes, November 21.

LOOK: Kilig photos of Vice Ganda and Ion Perez

Nang magkita na nang personal, agad na humanga si Maricel dahil ayon sa kaniya ay ‘gwapo sa personal’ si Ion.

“Anak, may itatanong ako sa iyo, mahal mo ba ang anak ko?” diretsahang tanong ni Maricel kay Ion.

“Ito lang ang masasabi ko sa inyo, 'yung anak niyo ay mamahalin ko nang lubos, sapat at tapat,” sagot ni Ion na nagpakilig sa madlang pipol.

“Maging mabuti ka sa anak ko, huwag mo siyang lolokohin. 'Yun lang ang hinihiling ko. Alam mo masarap maging maligaya. Alam mo sabi nila masarap lang daw sa umpisa. Pero huwag mong gaganunin si Vice, hahanapin kita. Gusto ko kapag sinabi mong mahal mo siya, mahal mo na siya forever,” pabirong banta ni Maricel kay Ion.

“Ang pag-ibig naman po namin ay parang halo-halo, habang tumatagal mas lalo siyang sumasarap,” muling sagot naman ni Ion sa Diamond Star.

Matapos kausapin si Ion, isang mensahe naman ang iniwan ni Maricel sa kaniyang anak-anakan.

“Tuwang-tuwa ako para sa iyo anak. Sa wakas magiging maligaya ka na rin nang walang pag-iimbot at buong katapatan. Wala na tayong sakit ng ulo na ‘eh, kasi hindi naman niya ako puwedeng ipakilala.’ Ayaw ko na ganun ang nararamdaman mo, ang gusto ko ang nararamdaman mo ay puro pagmamahal,” ani ng Diamond Star.

Panoorin ang buong video dito:

READ: Vice Ganda, ipinangalandakan ang pagmamahal kay Ion Perez

Bumisita si Maricel sa It’s Showtime para mag-promote ng kaniyang bagong pelikula na The Heiress, na mapapanood sa mga sinehan sa November 27.