Labis na pinanabikan ngayon ang naging announcement ng VIVA Artist Agency sa isang sanib pwersa concert nina Songbird Regine Velasquez at Popstar Royalty Sarah Geronimo.
Sa Instagram post ng VIVA na management team ni Sarah, ipinasilip nito ang maagang patikim sa dapat abangan na concert sa darating na Valentine’s Day.
Ito ang unang beses na magsasama sa isang major concert sina Sarah at Regine.
Sa ngayon, hindi pa kumpirmado kung saan ang venue ng nasabing concert.