• Home
  • Fresh Scoops
  • Max Eigenmann, best actress sa 2019 Asia Pacific Screen Awards

Max Eigenmann, best actress sa 2019 Asia Pacific Screen Awards

Best actress sa naganap na Asia Pacific Screen Awards si Max Eigenmann para sa kanyang pagganap sa pelikulang Verdict.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/22/2019 11:41 AM
Max Eigenmann, best actress sa 2019 Asia Pacific Screen Awards


Photo credit: @antzsantiago IG

Best actress sa naganap na Asia Pacific Screen Awards si Max Eigenmann para sa kanyang pagganap sa pelikulang Verdict.

Ang Verdict ay base sa kuwento ng isang babaeng biktima ng pang-aabuso ng kanyang asawa na ginampanan ng namayapang aktor na si Kristoffer King.

Sa kanyang acceptance speech, emosyonal na pinasalamatan ni Max ang kanyang asawa, anak at mga miyembro ng kanyang pamilya na naniwala sa kanyang kakayanan.

 

 

“Being here tonight has truly been one of the most momentous and exciting experiences of my life. Receiving this is beyond anything that I expected or imagined,” bahagi ng kanyang speech.

Emosyonal rin na pinasalamatan ni Max ang kanyang namayapang ama na si Mark Gil.

“I know is looking down on me from heaven right now, extremely proud,” pahayag pa ng aktres.

Si Max ay anak nina Bing Pimentel at ng namayapang aktor na si Mark Gil.