John Lloyd Cruz, ipinasilip ang new look

Hudyat na ba ang bagong endorsement ni John Lloyd Cruz ng kanyang pagbabalik sa showbiz?

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/22/2019 8:28 AM
John Lloyd Cruz, ipinasilip ang new look


Photo credit: @fredperry.ph IG

Kasunod ng maikling appearance ng aktor na si John Lloyd Cruz sa 2019 Metro Manila Film Festival entry na Cullion, balik eksena muli ang aktor bilang isang endorser.

Sa kumalat na larawan ni John Lloyd, bagong look na ito at wala na ang balbas na isa sa mga naging signature looks ng dramatic actor matapos ang naging bakasyon sa showbiz.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

John Lloyd Cruz, Actor. Photographed by @mmyu78 #FredPerry #FredPerryPH

A post shared by Fred Perry Philippines (@fredperry.ph) on

 

Matatandaan na ilang product endorsement na rin ang ang tinanggap ng aktor na lalong nagpapasabik sa kanyang taga-hanga at  labis na inaabangan ang kanyang pagbalik sa pag-arte.

October ng 2017 nang mag-file si John Lloyd Cruz ng Indefinite Leave of Absence sa ABS-CBN at management  ng Star Magic matapos dumaan sa ilang kontrobersya. 

READ: John Lloyd Cruz to take an indefinite leave of absence from showbiz

Madalas din mamataan ngayon si John Lloyd sa publiko kasama ang kanyang anak na si Elias.