Vice Ganda, ipinangalandakan ang pagmamahal kay Ion Perez

Mas bukas na sa pagbabahagi sa kanyang buhay pag-ibig ang TV host na si Vice Ganda.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2019 2:37 PM
Vice Ganda, ipinangalandakan ang pagmamahal kay Ion Perez


Photo credit: @praybeytbenjamin IG

Sweet at makahulugan ang bagong Instagram post ng “It’s Showtime” host na si Vice Ganda sa retrato nila ng boyfriend na si Ion Perez.

“Darating ang panahon na may makikilala kang taong mamahalin mo at mamahalin ka din,” post ni Vice sa kanyang Instagram.  

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Darating ang panahon na may makikilala kang taong mamahalin mo at mamahalin ka din.

A post shared by JoseMarieViceral / Vice Ganda (@praybeytbenjamin) on

 

Matatandaan na sa huling panayam sa komedyante, sinabi niyang wala siyang kailangan na ikahiya sa kanilang relasyon ni Ion na nagpapasaya sa kanya ngayon.

LOOK: Kilig photos of Vice Ganda and Ion Perez

“It’s liberating, mas masarap kumilos, hindi nakakangawit. Wala kang iniisip mas nae-enjoy namin ang buhay.”

Ani pa ng Kapamilya TV host, mabuting tao si Ion kaya't wala siyang dapat itago.