• Home
  • Fresh Scoops
  • ‘He’s really promising'’: Carmina Villaroel, hanga kay Seth Fedelin

‘He’s really promising'’: Carmina Villaroel, hanga kay Seth Fedelin

Hanga si Carmina Villaroel sa PBB alum na si Seth Fedelin matapos nilang magsama para sa digital movie na Wild Little Love.

BY EDO DARIA

Twitter: @edodaria

FRESH SCOOPS

11/21/2019 11:11 AM
‘He’s really promising'’: Carmina Villaroel, hanga kay Seth Fedelin


Isa si Carmina Villaroel sa mga artistang humanga sa pag-arte ng Pinoy Big Brother Otso alumnus na si Seth Fedelin.

Bilang kakasimula lang noong nakaraang taon sa pag-arte, maraming netizens at mga personalidad ang humanga sa talento ni Seth sa pag-arte, simula nang napanood ito seryeng Kadenang Ginto at digital movie na Abandoned.

“It’s just so sad kasi hindi ko sila nakatrabaho as silang dalawa. Siguro mayroong isa lang scene namin na silang dalawa yung kasama ko.”

“Pero in fairness doon sa very light scene na nakasama ko si Seth, I can say na he’s really promising. And I’m not saying this because he's in front of me, or kasi mayroon kaming movie,” pahayag ni Carmina sa media conference, nang tanungin tungkol sa kaniyang experience sa bagong aktor na si Seth.

Pagpapaliwanag pa ng aktres, “Half of my life I’ve been in the industry and marami na rin akong nakasama na akong mga baguhan, kasing-edad ko na, or older than me. So nakikita ko kasi kung mayroon talagang potensyal at may mararating, so si Seth, I can say doon sa one sequence na very light, nadama ko siya.”

Hiniling din ni Carmina na sana ay magkaroon pa ng pagkakataong makatrabaho ulit si Seth na bilang mag-ina naman.

Magkasama sa cast sina Carmina at Seth sa bagong digital movie na Wild Little Love, ang pinaka-unang pelikula ng tambalang SethDrea (Seth at Andrea Brillantes).x

 

 

READ: ‘Magkahawak kami ng kamay’: Kyle Echarri at Francine Diaz, may kakaibang paraan ng paghahanda sa mga eksena

Bukod kay Carmina, papuri din ang ibinahagi ng Wild Little Love director na si Benedict Mique sa katambal ni Seth na si Andrea Brillantes.

“She’s been in the industry for nine years, minsan ka lang makahanap ng bata na kasing galing niya. She’s a young veteran actress,” ani ng direktor.

READ: Team Silly vs Team Wild: Alin sa dalawang pelikula ng The Gold Squad ang unang ipapalabas?

Pagbibidahan nila Seth at Andrea ang nasabing digital movie na mapapanood sa iWant sa November 23 o 27 (depende sa magiging resulta ng Facebook poll). Kasama ang Silly Red Shoes ng KyCine, isa ang Wild Little Love sa back-to-back offering ng iWant para sa ika-isang taon nito online.