• Home
  • Fresh Scoops
  • Direk Mae Cruz Alviar, handa na sa kanyang pagbabalik-buhay pelikula

Direk Mae Cruz Alviar, handa na sa kanyang pagbabalik-buhay pelikula

2017 huling gumawa ng pelikula si Mae Cruz na pinagbidahan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2019 12:19 PM
Direk Mae Cruz Alviar, handa na sa kanyang pagbabalik-buhay pelikula


Extra special para sa direktor na si Mae Cruz-Alviar ang kanyang muling pagbabalik bilang direktor ng upcoming movie ng Star Cinema na Unbreakable.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Family meeting. 📸 by sis @glizeria Please excuse my attempt to hide my fat arm.

A post shared by Mae Cruz Alviar (@maecruzalviar) on

 

Ang Unbreakable ay na pinangunahan nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo, Ito rin ang masasabing pagbabalik-pelikula ng direktor matapos ang dalawang taon na bakasyon sa pag-gawa ng pelikula para pagtuunan ng pansin ang pagbuo ng pamilya.

“Sinubukan po namin mag-baby,” sabi pa ni Direk Mae sa naganap na Unbreakable media conference. “And part of what I need to do is to relieve myself from the stress that we had mga ganyan. So we did that and I did that,” aniya pa.

“Unfortunately, hindi lang kami naging successful, and that’s why I’m back,” paliwanag niya.

Hindi man naging successful ang kanilang naging plano sa pagbuo ng pamilya, naniniwala pa rin ang direktor na darating ito para sa kanya.

“We tried, after two years and I feel after two years of trying, if it’s going to be God’s will for us, it’s going to happen.”

At dahil sa kanyang pagka-miss sa pelikula, nag desisyon si Direk Mae na magbalik na sa kanyang trabaho.

“And I feel after the hiatus, it’s time to go back.  I feel that it is also my direction to tell a story and to entertain people,” pahayag pa niya.

Isa sa mga huling pelikula na ginawa ni Direk Mae Cruz bago ang bakasyon noong 2017 ang ‘Can’t Hell Falling In Love’ ni Kathryn Bernardo at Daniel Padilla.