• Home
  • Fresh Scoops
  • Bea at Angelica, minsan nang natraydor ng kaibigan dahil sa lalaki

Bea at Angelica, minsan nang natraydor ng kaibigan dahil sa lalaki

Dahil sa tema ng pelikulang ‘Unbreakable’ na kanilang pinagbibidahan, sinagot nina Angelica Panganiban at Bea Alonzo na minsan na din silang napagtaksilan ng kaibigan nang dahil sa pag-ibig.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/21/2019 6:59 PM
Bea at Angelica, minsan nang natraydor ng kaibigan dahil sa lalaki


Photo credit: @starcinema on Instagram

Kasabay nang pagharap sa entertainment press ng mga bida ng bagong pelikula ng Star Cinema na “Unbreakable,”  isa sa mga naging tanong kina Angelica Panganiban at Bea Alonzo kung naranasan na ba nila na pagkatksilan ng kanilang kaibigan nang dahil sa lalaki.

"Oo, “ ang naging mabilis na sagot ni Angelica.

“‘Pag kaibigan mo kasi, parang madali ko lang rin patawarin, lalo na kung parang lalaki lang ang dahilan, na 'nako lalaki lang 'yan, hanap na lang ako ng iba,' ganun," paliwanag pa ng aktres.

"Kasi kung kaibigan mo, kailangan mong intindihin, kung saan ba siya nanggaling 'di ba? Bakit may nangyari sa inyo noong lalaki 'di ba? Parang anong weakness, anong nangyari?”

Para sa Kapamilya star, mas pipillin rin niya na hindi na magtanim ng galit sa mga taong gumawa ng hindi maganda sa kanya.

"I mean ako rin naman, nagkakamali ako, pero gusto ko rin na mapatawad ako, so hindi ko 'yun ipagdadamot sa mga taong nagkakamali sa akin.”

 

 

Tulad ni Angelica, tila naranasan na rin ni Bea ang pagtaksilan ng kaibigan nang dahil sa lalaki.

"Oo pero, isasantabi mo 'yung nararamdaman mo because this person will eventually need you," malaman na pahayag ng dramatic actress.

"Tama 'yung sinabi niya (Angelica) e, parang pag mahal na mahal mo 'ung kaibigan mo, nasusurpass niya 'yung level ng pain na umaabot sa betrayal, sometimes umaabot ka doon sa state na mas iniintindi mo ‘yung situation,” pahayag pa niya.

Sa direksyon ni Mae Cruz Alviar, ipapalabas na ang “Unbreakable” ngayong November 27 sa mga sinehan nationwide.