• Home
  • Fresh Scoops
  • Piolo Pascual sinagot ang isyung hindi na matutuloy ang reunion movie nila ni Claudine Barretto

Piolo Pascual sinagot ang isyung hindi na matutuloy ang reunion movie nila ni Claudine Barretto

Piolo Pascual sinagot ang isyung hindi na matutuloy ang reunion movie nila ni Claudine Barretto

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/20/2019 2:01 PM
Piolo Pascual sinagot ang isyung hindi na matutuloy ang reunion movie nila ni Claudine Barretto


Photo credit: @piolo_pascual and @claubarretto IG

Naging matunog ang bali-balitang hindi na raw matutuloy ang dapat na reunion movie nina Piolo Pascual at Claudine Barretto.

Naging matipid naman ang sagot ng aktor tungkol sa mga detalye ng kanilang pelikula.

“Let’s just wait and see,” ani Piolo sa PEP.

Dagdag pa niya, wala umano siya sa posisyon upang magsalita sa sitwasyon ng kanilang pelikula.

“I’m not in the position to say anything about that. It's a very sensitive issue. Let's just wait and see. We only have prayers to everyone,” aniya.

Para naman kay Piolo, naghihintay lamang daw siya ng go signal mula sa Star Cinema.

“It’s rather confidential for now but yeah, it’s a very interesting story. Next year? We don't know yet, mahirap magsalita tapos ‘di mangyayari. I’m just really waiting. Depende sa Star Cinema.”

Ang huling pelikulang pinagsamahan nina Piolo at Claudine ay ang Milan noong 2004. Si Cathy Garcia-Molina naman ang napiling maging direktor ng kanilang nakatakdang reunion project.