Pagpapakasal, ayaw madaliin ni Ejay Falcon

Bagong hamon para sa aktor na si Ejay Falcon ang kanyang pagganap bilang si Elias sa historical movie ng Reality Entertainment, ang Damaso.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/20/2019 1:26 PM
Pagpapakasal, ayaw madaliin ni Ejay Falcon


Photo credit: @ejaythefalcon IG

Bagong hamon para sa aktor na si Ejay Falcon ang kanyang pagganap bilang si Elias sa historical movie ng Reality Entertainment, ang Damaso.

Bukod sa magandang pasok ng positive news sa kanyang buhay, nagpapasalamat rin si Ejay sa positive na nangyayari ngayon sa kanyang personal na buhay.

“Sana tuloy tuloy lang ang nangyayari dahil sobrang blessed ko ngayon taon sana tuloy tuloy lang po” sabi pa ni Ejay.

Ayon pa sa aktor, going strong rin sila ng non showbiz girlfriend na si Jana Roxas at napag-uusapan na rin ang kasalanan pero hindi pa sila nagmamadali.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Moment like this. @janaroxas22 😉

A post shared by FALCON (@ejaythefalcon) on

 

“Napapagusapan naman po iyun pero hindi pa ngayon. Sobrang busy pa and ayoko naman sabihin na nakiki-uso ako na nag propose si ganito nag propose si ganyan. Napi pressure ako na bakit ako hindi pa,’” paliwanag ng aktor.

Bukod sa Damaso movie, regular rin na napapanood si Ejay sa afternoon series na Sandugo.