• Home
  • Fresh Scoops
  • Leo Martinez, saludo sa professionalism ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’

Leo Martinez, saludo sa professionalism ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’

Naniniwala rin si Leo Martinez na kaya rin ni Coco Martin ang maging daan para makatulong sa mga nangangailangan na artista.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/20/2019 10:10 AM
Leo Martinez, saludo sa professionalism ni Coco Martin sa ‘Ang Probinsyano’


Isa ang beteranong aktor na si Leo Martinez sa mga kinaiisan ngayon bilang si Kapitan Bart sa Kapamilya series na FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon kay Leo, dapat na abangan ngayon ang paghihiganti ng kanyang karter sa pamilya ni Cardo Dalisay na ginagampanan ni Coco Martin.

“I have to go to my plan B.. Well kailangan nilang panoorin ang maaksyon na plan B ko,” sabi ng aktor sa panayam.

Dito, inamin rin niya na posibleng hindi na rin magtagal ang kanyang karakter sa numero unong Kapamilya series.

“I don’t  think so. The way I’m acting parang I don’t know kung ba-bye na. I cannot tell we are not told anyway pero the way the story is going I’m on the bad side already,” patikim pa niya.

Sa kanya namang pagiging bahagi ng Ang Probinsyano, postibong komento rin ang ibinigay ni Leo kay Coco, na bida at direktor ng programa, para sa pagiging professional nito sa trabaho.

“Well I’ve work with him even before Probinsyano, so I know how competent he is,” aniya pa.

At bilang isa sa mga kilalang aktibo sa pagtulong sa industriya ng showbiz, naniniwala siya na kaya rin ni Coco ang pangunahan ang pagtulong sa mga nangangailangan na artista.

“I’m no longer the head of Film Academy, but I don’t know kung maroon siyang patience to do the things that I did for Film Academy. Kasi ang Film Academy naman walang budget yan from the government, so you have to look for your own funding and it’s not easy,” sabi pa ni Leo. “Well sa personal experience niya, kayang kaya niya ‘yun,” dagdag pa niya.