• Home
  • Fresh Scoops
  • Jane de Leon aminadong nainip noon sa kanyang showbiz career

Jane de Leon aminadong nainip noon sa kanyang showbiz career

Muling inalala ni Jane de Leon ang kanyang pinagdaanan sa showbiz.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/20/2019 1:47 PM
Jane de Leon aminadong nainip noon sa kanyang showbiz career


Matunog ang pangalan ngayon ni Jane de Leon matapos mapiling gumanap bilang Darna sa magiging movie remake nito.

Sa kanyang panayam sa Tonight with Boy Abunda, inamin naman ng aktres na hindi naging madali ang kanyang pinagdaanan at inalala niya ang mga panahong ilang beses siyang nare-reject sa mga audition.

“Naranasan ko po lahat. Pumipila ako sa mahahabang linya for VTR for commercials. Pinakamatagal mga 8 to 10 hours,” kwento ni Jane.

“Hindi po sa akin fit ‘yung role, hindi ka pa magaling umarte, hindi ka maganda. Kaya tiningnan ko sarili ko sa salamin, ‘hindi ba?’” dagdag pa niya.

Isa naman sa naging inspirasyon niya at dahilan upang tumibay pa lalo ang loob ay ang kanyang nanay.

“Kahit nada-down ako nandiyan ang mom ko para i-encourage ako,” aniya.

Sa huli, sinabi niyang pamilya niya ang kanyang inspirasyon upang magpatuloy lamang sa trabaho.

“Na-feel ko po ‘yung ‘kakayanin ko pa ba ito?’ May opportunity pa ba na mangyayari sa akin? Nainip din po ako pero siyempre hindi ako tumigil roon at lalo pa akong lumaban. Lahat po gagawin ko para sa family ko.”

Bago mapili bilang Darna ay naging parte ng teleseryeng Halik si Jane. Gumanap ang aktres bilang kapatid ni Jericho Rosales sa serye na si Maggie.