• Home
  • Fresh Scoops
  • Director Frasco Mortiz, nabawasan ang nararamdamang pressure pagkatapos hindi napili para sa MMFF ang ‘The Heiress’

Director Frasco Mortiz, nabawasan ang nararamdamang pressure pagkatapos hindi napili para sa MMFF ang ‘The Heiress’

Director Fasco Mortiz, meron ding kutob na hindi sila mapipili sa MMFF.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/20/2019 1:16 PM
Director Frasco Mortiz, nabawasan ang nararamdamang pressure pagkatapos hindi napili para sa MMFF ang ‘The Heiress’


Nagbigay ng reaksyon si Direk Frasco Mortiz sa hindi pagkapili ng horror film niyang The Heiress sa 2019 Metro Manila Film Festival. Ayon sa director during the presscon of the movie held last Thursday, November 14, may pakiramdam na siyang hindi talaga mapipili ang The Heiress.

“Actually, may feeling na ako na nung hindi kami nakapasok sa first four, sa scripting, siyempre may kaba na kasi may pressure na kailangan naming buuin ang pelikula para ma-submit ng September 21 sa finished film.

“Pero nag-worry na kami nung hindi natuloy yung pelikula nina Ms. Kris Aquino at Derek (Ramsay) na horror (Kampon) and then pinalitan ng Sunod na horror din (starring Carmina Villarroel) so medyo may kaba na kami na, ‘Ay, may horror na kinuha. May kaba ka na baka hindi makapasok kasi may kinuha ng horror,” kuwento sa PUSH ng The Heiress director.

Ang The Heiress ay pinagbibidahan nina Maricel Soriano, Janella Salvador, Sunshine Cruz, at McCoy de Leon. Ang pelikula ay ginawa talaga ng Regal Entertainment para isali sa MMFF.

Okey din daw naman na hindi sila nakapasok sa MMFF dahil kahit papaano ay nakabawas ito ng pressure sa kanila.

Aniya, “Nung nalaman namin na yon nga, finally, hindi kami nakapasok, parang may tinik din na nawala kasi nando’n yung kaba at may pressure na rin pag MMFF, eh. Parang kailangan maging top 3 ka man lang o top 4 para assured ka na kumita, so may pressure kaagad na nawala, na parang okey, nakahinga ka na nang malalim.

“Do’n sa Pagpag kasi naramdaman ko yung pressure non, eh, na kailangan nasa Top 3 tayo. And then yung stress mo do’n sa parade, di ba, sa pag-promote ng pelikula during the filmfest. Iba din yung oras na hinihingi so parang kahit papaano na-relieve pa rin na, ‘okey bawas pressure siya.’”

Magkaganun man, meron pa rin daw pressure na sa November 27 ipalalabas ang The Heiress.

“Yung pressure ngayon is… unlike MMFF na sure ka ng kikita pag nando’n ka at pag nakuha mo yung market nando’n na kaagad. Ito naman, feeling ko, kasi maraming feedback like matagal nilang hindi nakikita si Ms. Mary (Maricel) sa pelikula.

“Tapos yung mixture din ng cast – si Janella, Ms. Maricel, Sunshine --  yung tatlong generation na iba-iba yung fan base, even si McCoy (de Leon). Nung nakita ko na yung final cut namin na nagustuhan ni Roselle (Monteverde), kumbaga yung hinihingi niya nakuha namin yung gusto niyang feel nung horror, kampante ako na it is a good movie na mai-enjoy ng marami.

“So hopefully, pag nagpa-MTRCB na kami sana maganda yung rating na makuha namin para mas maraming makapanood. Kasi hindi siya sobrang violent, pero hindi naman siya yung korny. Kumbaga, yung balanse niya, yung pagkakaluto namin ng pelikula ay sakto lang at do’n kami bumabangko,” deskripsyon pa ni Direk Frasco sa kanyang latest movie.

Ipinagmalaki din niya na ang The Heiress ay isang pelikulang worth watching.

“I make sure na pag nanood yung mga tao hindi siya yung, ‘Ay, aabangan ko na lang sa online, or manonood na lang ako ng iWant o pelikula sa Netflix. Yung feel ng pelikula, marami kaming pinagbasehan na… may mga pelikula na sneak to Netflix sa horror na pinapanood namin, tinitingnan namin kung ano yung formula, kung ano pa yung balanse.

“So I make sure na pag nanood yung mga tao hindi siya yung, ‘Ay, aabangan ko na lang sa online. Feeling ko naman yung ginawa naming pelikula is something na worth watching. Kasi iba yung horror kapag nasa sinehan ka, mas nakakatakot. For me, it’s an experience na worth it panoorin sa cinema,” proud pa niyang pahayag.