• Home
  • Fresh Scoops
  • Arnel Pineda, magiging bahagi na rin ba ng ‘The Voice Philippines?’

Arnel Pineda, magiging bahagi na rin ba ng ‘The Voice Philippines?’

Isa sa pangarap ng Pinoy pride singer ang maging coach ng ‘The Voice Philippines.’

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/20/2019 1:30 PM
Arnel Pineda, magiging bahagi na rin ba ng ‘The Voice Philippines?’


Photo credit: @arnelpineda2007 on Instagram

Hindi isinasara ng Pinoy pride singer na si Arnel Pineda ang posibilidad na pagbabahagi niya ng kanyang karanasan bilang singer sa isang reality show.

Ayon kay Arnel, nagkaroon na ng alok noon sa kanya ang The Voice Philippines bilang isa sa mga bahagi ng hanay ng coaches nito na sina Lea Salonga, Bamboo at Sarah Geronimo.

“I’m very very willing to do that,” tugon ni Arnel sa kanyang maaga ng paghahanda para sa kanyang upcoming Valentine’s Day concert na “Let It Love, Let It Rock” kasama si Yeng Constantino.

Kuwento pa ng Journey band vocalist. “Actually galit na nga ata sa akin ang mga taga The Voice Ph’, na invite na ako before pero hindi ko lang magampanan talaga. Gustong gusto ko talaga,” ani singer.

Bilang isa sa mga dating nangangarap lang noon, ayon pa kay Arnel nais niya na magbahagi ng kanyang kaalaman sa bagong henerasyon ng mag singer.

“Kasi I have so much to share, kasi ‘yung pinanggalingan ko tubong lugaw (rin) talaga, Kasi ‘yung mga sumasali sa singing search they trying their best na kahit mahirap lang sila katulad ko, talagang ang lalakas ng loob nila,” sabi pa niya.

At sa muling pagbubukas ng bagong edisyon ng The Voice Philippines teens edition, Hindi isinasantabi ni Arnel ang mga posibilidad na maging bahagi nito.

“I don’t know kung hinihintay pa nila ako or baka nagsawa na sila or they don’t want me anymore,” aniya pa. “Kasi talagang depende sa time e, like next year, mag start na kami mag tour starts May to September.”

Pero kung magkakaroon rin ng pagkakataon, game daw si Arnel dito. “I love to do it, kaya pag napapanood ko, nakiki mentor ako in my thoughts na ‘ahhh okay,’” pahayag pa niya.