• Home
  • Fresh Scoops
  • Lovi Poe describes her current boyfriend as an ‘old soul’

Lovi Poe describes her current boyfriend as an ‘old soul’

Lovi Poe, hindi problemado sa kanyang LDR.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/2/2019 11:36 AM
Lovi Poe describes her current boyfriend as an ‘old soul’


Pansamantalang nawala sa showbiz si Lovi Poe para i-enjoy ang kanyang love life sa piling ng boyfriend na si Montgomery Blancowe na isang British film producer at medical scientist.

Habang kasama ang kasintahan ay naramdaman ni Lovi ang ilan sa kanilang pagkakapareho tulad na lang ng interes sa panonood ng pelikula.

Ani Lovi, “He’s an old soul. Iba siyang mag-isip. He’s very nice.”

Hindi rin daw siya gaanong nahihirapan sa kanilang LDR (long distance relationship) set-up. Ang BF kasi ni Lovi ay sa US naka-base.

“Constant naman ang communication namin. Malaking tulong talaga ang internet sa LDR kasi wala, parang nandiyan din lang siya sa ‘yo,” sambit niya.

Pagdating naman sa kanyang trabaho bilang aktres ay hindi rin daw siya nagkakaproblema sa dyowa.

“Actually, I love na naiintindihan niya ang trabaho ko. Iyon namang pagpapaseksi, it’s just that you’re just doing your job and you’re doing serious acting.

“Kasi in a relationship, there are things that are negotiable and non-negotiable. I guess, being a good person is non-negotiable, pati na yung sense of humor. I think, having a good heart and soul is also non-negotiable.

“Yung right amount of love and understanding is also. Iyong negotiable to me would be iyong physical aspect. Siyempre, it’s already automatic, my career is one of my priorities. I don’t [go out with] who would dictate me what I’m doing, but I believe in compromise,” paliwanag pa ng aktres.

Amindo naman ang aktres na hindi pa nila napapag-usapan ng boyfriend ang tungkol sa kasal.

“I don’t know. We don’t talk about it. We’re just enjoying what we have now,” wika pa niya. “We enjoy each other’s company. We make sure that we are part of each other’s lives. Last August, I toured him sa beaches like Boracay. Na-meet na rin siya ng Mommy ko,” kuwento pa niya.

Samantala, ang pelikulang The Annulment ng Regal Entertainment ang unang project na ginawa niya pagkatapos mawala for a while dahil sa love life. Kasama ni Lovi sa The Annulment bilang leading man si Joem Bascon.

“It’s a highly relatable movie about people in a relationship. Yung pinagdadaanan na challenges at trials ng kanilang relasyon, from courting, to decision to get married to honeymoon hanggang naging whirlwind romance, falling out and eventually, that painful decision to seek annulment,” deskripsyon niya about the movie na ipapalabas simula November 6 mula sa direksyon ni Mac Alejandre.