Sa pag-amin noong Setyembre ng kanilang relasyon, mas naging open na ang magkasintahan na sina Jake Cuenca at Kylie Verzosa sa kanilang mga social media posts.
READ: Jake Cuenca, Kylie Verzosa officially together
Sa pinakabagong photos ng dalawa sa Instagram, agaw pansin ang upload ni Jake ng picture nila ni Kylie na naghahalikan.
"It’s not about just staying with each other. It’s about being happy together. From jake to Kylie," sabi ng aktor sa kanyang caption.
Kasalukuyang nagbabakasyon sa Bali ang dalawa.
Sa interview ni Kylie sa Magandang Buhay, sinabi ng beauty queen na 11 months na silang 'in a relationship' ni Jake.
"I've never been this secure in a relationship. I've never been this happy in a relationship. Ang dami na niyang pinagdaanan. I think we're both in a good place right now," pahayag niya.