• Home
  • Fresh Scoops
  • Heart Evangelista at Chiz Escudero, pinangunahan ang pagsasayaw para sa Guinness

Heart Evangelista at Chiz Escudero, pinangunahan ang pagsasayaw para sa Guinness

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/2/2019 12:00 PM
Heart Evangelista at Chiz Escudero, pinangunahan ang pagsasayaw para sa Guinness


Pinangunahan ng mag-asawang Heart Evangelista at Chiz Escudero ang sabay-sabay na pagsasayaw ng Pantomina Sa Tinampo ng 7,127 na mga taga-Sorsogon.

Ang Pantomina Sa Tinampo ay isang tradisyunal na Bicolano dance na sinayaw ng mga taga Sorsogon bilang pagdiriwang ng kanilang ika-125 taon ng probinsya.

Ito ang pikamaraming mananayaw ng Pantomina Sa Tinampo na naitala ngayon ng Guinness World Record bilang The Largest Filipino folk dance.

Sa Facebook page ng tourism administration ng Sorsogon, masaya nilang tinananggap ang parangal ng Guinness World Record na isa ngayon sa naging highlight ng pagdiriwang.

“What a way to end the month-long Kasanggayahan Festival!

“Today's Pantomina sa Tinampo is recognized as the largest participation in a Filipino folk dance by Guinness World Records with 7,127 participants.

“Congratulations to all our organizers, participants and the LGU of the 13 municipalities, Sorsogon City and the Provincial Government of Sorsogon.”