Angel Locsin, tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao

Tinawag ng Red Cross Davao Del Sur na isang ‘true humanitarian’ ang aktres na si Angel Locsin.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/2/2019 10:00 AM
Angel Locsin, tumulong sa mga biktima ng lindol sa Mindanao


Viral ngayon sa social media, ang personal na pagpunta ang aktres na si Angel Locsin sa Davao City para mamili ng mga ipapamigay na relief goods sa biktima ng sunod-sunod na lindol doon.

Matapos ang mga naging pagdalo sa mga Halloween party, agad na tumulak si Angel sa Mindanao para magbahagi ng tulong doon.

Sa pagbabahagi ng Red Cross Davao del Sur sa kanilang official Facebook page, tinawag nilang isang 'true humanitarian' ang aktres.

"Darna has landed in Mindanao. Following a series of powerful earthquakes which jolted areas in Mindanao, Angel Locsin personally came to Davao del Sur to extend help. Together with her fiance, Neil Arce, the couple brought items for distribution and even helped the volunteers of Davao del Sur Chapter load the boxes into trucks.

"Locsin has been supporting the Philippine Red Cross for a long time and has participated during relief packing and distributions since Typhoon Ondoy. A true humanitarian indeed!" sabi ng post.

Hindi ito ang unang beses na lihim na ginawa ng aktres ang pagtulong matatandaan na noong panahon ng bakbakan sa Marawi, isa si Angel sa mga unang nagpaabot ng tulong doon.

READ: Angel Locsin visits the evacuees from Marawi

Noong nakaraang ABS-CBN Ball, idinonate din ni Angel ang dapat gagastusin niya para sa paghahanda dito sa Bantay Bata.