• Home
  • Fresh Scoops
  • Zephanie Dimaranan, nagbigay ng update sa kundisyon ni Janine Berdin

Zephanie Dimaranan, nagbigay ng update sa kundisyon ni Janine Berdin

Willing din daw na sumabak sa pag-arte si Zephanie Dimaranan.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/19/2019 1:05 PM
Zephanie Dimaranan, nagbigay ng update sa kundisyon ni Janine Berdin


Photo credit: @janineberdin and @zephanieodhene IG

Kasalukuyang nasa 'recovery stage' si Janine Berdin, ayon sa update ng isa sa mga members ng New Gen Champs na si Zephanie Dimaranan. Sa interview ng Idol Philippines grand winner, nagbigay ng update si Zephanie tungkol sa kundisyon ni Janine.

"Recently kinumusta po namin siya. Sabi niya hindi pa po ata siya sure kung kailan siya makakabalik, pero nagre-recover na po siya ngayon.

"If I'm not mistaken, nakapag perform na po siya ulit, kailangan lang na mag-ingat siya kasi hindi pa siya fully recovered. Pero we're still hoping na makabalik na siya this Sunday kasi marami rin pong nakaka-miss sa kaniya," pahayag ni Zephanie sa interview niya sa PUSH Bets Live nitong Huwebes, November 14.

Maaalalang inanunsyo ni Janine sa kaniyang Instagram post ang kaniyang kalagayan na naging dahilan ng kaniyang madalang na pagpapakita sa ASAP Natin 'To at It's Showtime Online.

READ: Janine Berdin diagnosed with Cushing’s Syndrome after acquiring vocal nodules

Habang nagpapahinga at nagpapagaling, patuloy naman ang pagpe-perform ng mga kapwa New Gen Champs niya na sila Elha Nympha at Zephanie sa ASAP Natin 'To.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

These two!! 🤗🤗🤗🤗🤗💚💚💚💚💚 @janineberdin @elhamaenymphaofficial @asapofficial @cornerstone

A post shared by Zephanie (@zephanieodhene) on

 

Samantala, sa parehong interview din kay Zephanie ng PUSH, ibinahagi rin nito ang planong pasukin ang pag-arte, tulad ng kaniyang mga idolo na sina Sarah Geronimo at Regine Velasquez.

"Actually isa rin naman talaga 'yon sa plans ko in the future, na pumasok din sa pag-a-acting. Kasi parang ang saya rin po na mag-explore sa industry na ito, so interested din po ako.

"Ngayon hindi naman po ako gano'n kagaling umiyak, pero kung mabibigyan po ako ng opportunity na pumasok sa pag-arte, gagawin ko po yung best ko na mag-train kasi gusto ko rin naman po na mag-try," kuwento ni Zephanie na binalikan rin ang minsang pagganap bilang extra sa isang Wanspanataym episode noon.

Panoorin ang interview ni Zephanie dito:

Naghahanda si Zephanie sa kaniyang kauna-unahang major concert na gaganapin sa New Frontier Theater sa December 8. Dito makakasama niya bilang guests sila Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Moira Dela Torre, Erik Santos, iDolls, at ang New Gen Champs.