• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Neri Miranda namigay ng 100 burgers dahil ikakasal na si Sarah Geronimo

PANOORIN: Neri Miranda namigay ng 100 burgers dahil ikakasal na si Sarah Geronimo

Self-confessed ‘Popster’ ang dating aktres na si Neri Miranda kaya naman i-sinelebrate niya ang engagement ng kanyang idol na si Sarah Geronimo.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/19/2019 9:47 AM
PANOORIN: Neri Miranda namigay ng 100 burgers dahil ikakasal na si Sarah Geronimo


Photo credit: @matteog and @mrsnerimiranda on Instagram

Matagal nang aminado si Neri Naig-Miranda na super fan siya ng singer-actress na si Sarah Geronimo. Nagkaroon ng pagkakataon na magkasama ang dalawa dati sa 2005 youth-oriented show na SCQ Reload: Kilig Ako, kaya naman di nagpapaawat si Neri sa pagpost sa kanyang social media accounts kung gaano siya bilib na bilib kay Sarah. 

At kamakailan nga ay di napigilan ng dating aktres na magsaya nang malaman na engaged na pala ang kanyang idol sa aktor na si Matteo Guidicelli. Ayon pa sa asawa ni Neri na si Chito Miranda, nagulantang siya sa kanilang bahay dahil napatili pa ito nang mabasa ang balita. 

READ: Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo are engaged

“Graaaaaaaaaabe! Nakakaiyak! Napakasaya ko! Di nila ako kilala pero masaya ako para sa kanila lalo na kay Sarah! Please ingatan mo si Sarah. She deserves to be happy,” bungad ni Neri sa post tungkol dito sa kanyang Instagram.

Nangako din ito na dahil gusto niya i-celebrate ang engagement ng AshMatt ay mamimigay siya ng burger sa kanilang community sa Alfonso, Cavite.

 

 

At nitong November 18, ibinahagi na ni Neri sa kanyang vlog kung saan ay namigay nga siya ng burgers sa mga taong nakasalubong nila ng kanyang mga kasama.

“Dahil engaged na si Sarah at super duper happy ako, namigay ako ng burgers sa lahat ng nakasalubong ko, hehe! Engaged na si Saraaaaaaaaaaah!” caption niya sa kanyang video.

Panoorin ng buo ang kanyang happy moment dito: