• Home
  • Fresh Scoops
  • PANOORIN: Maymay Entrata, gaganap bilang cancer patient sa bagong episode ng MMK

PANOORIN: Maymay Entrata, gaganap bilang cancer patient sa bagong episode ng MMK

Ipapalabas na ang inaabangang ‘Maalaala Mo Kaya’ episode ng tambalang Maymay Entrata at Edward Barber.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/19/2019 1:16 PM
PANOORIN: Maymay Entrata, gaganap bilang cancer patient sa bagong episode ng MMK


Sa unang pagkakataon, sasabak sa mga intense na drama ang tambalang MayWard, para sa episode ng Maalaala Mo Kaya.

Inilabas sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ang unang trailer ng pagbibidahang episode nila Maymay Entrata at Edward Barber, kung saan ay gaganap bilang cancer patient ang aktres.

Sa ngayon may mahigit 300 thousand views na ang nasabing trailer. Makikita rin ang mainit na suporta ng mga MayWard fans sa comment section.

 

 

Mapapanood ngayong darating na Sabado ang MMK 'Gab and Max' episode, pagkatapos ng Your Moment.