• Home
  • Fresh Scoops
  • Ken Chan and Rita Daniela, may hindi malilimutang encounter with Coco Martin sa airport

Ken Chan and Rita Daniela, may hindi malilimutang encounter with Coco Martin sa airport

Ayon kina Rita Daniella at Ken Chan, si Coco Martin daw ang unang lumapit sa kanila.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2019 12:43 PM
Ken Chan and Rita Daniela, may hindi malilimutang encounter with Coco Martin sa airport


Photo credit: @akosikenchan and @cocomartin_ph IG

Naikuwento nina Rita Daniella at Ken Chan ang isang insidenteng hindi nila malilimutan sa buong buhay nila nung makaharap nila ang Kapamilya actor at bida ng FPJ’s Ang Probinsyano na si Coco Martin.

Ayon sa magka-love team, na-meet nila ang aktor sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) at si Coco pa raw ang unang unang lumapit sa kanila.

“Nakakatuwa kasi si Sir Coco, siya pa talaga ang unang lumapit sa amin, in all fairness,” masayang kwento ni Rita.

Sey naman ni Ken, nang makita raw nila si Coco, nagtatanungan pa sila ni Rita kung lalapitan ba nila ito dahil nahihiya raw sila.

Ani Ken, “Nahihiya kaming lapitan si Kuya Coco kasi baka pagod siya, may taping.”

Laking gulat daw nila nung sabihin ni Coco na, “Uy, Ken, pasensiya na kayo, hindi ko kayo agad nakita.’ Tapos siya pa mismo ang nagsabi sa amin na idol niya kami.”

Hindi rin daw sila nagkaroon ng problema nang mag-request silang magpa-picture kay Coco.

Sabi ni Rita, “Sir, pa-picture po kami.” Ang sagot naman daw ng aktor, “Hindi, ako nga dapat magpa-picture sa inyo kasi idol ko kayo, eh.”

Pagkatapos ng kanilang pagkikita ay nauna pa raw mag-post ang team ni Coco ng kanilang larawang kuha sa airport.

“Nakaka-overwhelm kasi ‘yung team po niya ‘yung nag-post pa ng picture namin together. Sila talaga ang nauna. So, nakaka-overwhelm po ‘yung ganu’n,” reaksyon ni Rita.

Samantala, nakausap ng PUSH sina Rita at Ken nang pormal silang ipakilala sa entertainment press bilang mga bagong ambassadors ng Beautederm.