• Home
  • Fresh Scoops
  • Dimples Romana, ibinahagi kung kailan umiinit ang ulo niya sa kaibigang si Angel Locsin

Dimples Romana, ibinahagi kung kailan umiinit ang ulo niya sa kaibigang si Angel Locsin

May kakaibang friendship sina Dimples Romana at Angel Locsin.

BY LEO BUKAS

Twitter: @leobukas

FRESH SCOOPS

11/19/2019 12:48 PM
Dimples Romana, ibinahagi kung kailan umiinit ang ulo niya sa kaibigang si Angel Locsin


Photo credit: @dimplesromana IG

Ibang klase talaga ang friendship na meron sina Dimples Romana at Angel Locsin. Nitong birthday nga ni Dimples sa taping ng seryeng Kadenang Ginto ay sinorpresa pa ng aktres ang kaibigan.

Sa tingin niya, bakit tumatag ng ganun ang pagkakaibigan nila ni Angel?

“Very loyal kasi si Gel, eh. Saka I guess ano rin siya, matiwala kasi siya sa tao. Alam mo yon, may mga taong gusto niya ito yung mga kaibigan, ito yung mga pinagkakatiwalaan niya, ganun siya.

“At saka, kasi nakita na namin yung mga pinagdaanan namin, eh.  Nakakapagpatibay talaga yon ng pagkakaibigan – yung nakita n’yo at natulungan n’yo ang isa’t isa na bumangon sa mga pinagdadaanan sa buhay,” sagot ni Dimples sa PUSH.

Nag-away na ba sila o nagkapikunan ni Angel?

“Baka ako malapit nang mapikon kasi bina-bash ako niyan, eh,” pabiro at natatawa niyang sagot.

“Kasi siyempre, hindi siya sanay, siyempre ngayon may mga endorsement ako na nag-aarte-arte ako, ganyan, hindi siya sanay,” sabay tawa ulit ng aktres.

Inaasar din daw siya ni Angel kapag may pino-post siya sa kanyang Instagram about her endorsement pero hindi naman daw siya nagagalit dito dahil alam niya namang binibiro lang siya.

Pero ayon kay Dimples, may panahon na umiinit din ang ulo niya sa kaibigan.

“Ako naman mainit ang ulo ko diyan pag nakikita kong nag-i-stunts, ang init ng ulo ko. Ini-screen shots ko, sine-send ko sa kanya. ‘May problema ba tayo?’ Tapos ang sagot niya lang sa akin, ‘Ha-ha-ha.’”

Kahit naman daw pagbawalan niya si Angel ay hindi rin ito makikinig sa kanya.

Aniya, “Naku, kung kayo ang kaibigan ni Gel feeling mo makikinig sa ‘yo? Kailan ka titigill? Hindi, naku. Baka lalo pa niya akong inisin at magsasasakay pa siya ng truck na umaandar.

“Kasi ganun niya ako gustong inisin, eh. Yung alam niya ng nag-aalala ako sa kanya gagawin niya pa talaga paulit-ulit.”

Hindi niya raw naman niya tinitigilan ang pag-papaalala dito lalo na nung panahong nagte-taping pa si Angel ng The General’s Daughter.

“Ay hindi. Paulit-ulit kong sini-send sa kanya yung pictures. ‘Ikaw ha, ang init ng ulo ko. Nakita ko gumagalaw yung truck, nasa ilalim ka nung truck. Naku Gel, hindi mo kailangang gawin yan, may mga stunts na puwedeng gumawa niyan.’

“Eh, kaso sobrang pagmamahal niya sa trabaho niya kaya gagawin niya talaga.

“Kaya ang ginawa ko na lang binilhan ko siya ng beads, pang-health. Lahat ng pampatulong na beads, binilhan ko siya ng beads for good health,” kuwento ni Dimples.

Madalas ba silang mag-heart-to-heart talk ni Angel?

“Ano kami ni Gel, eh. Ang text lang niya sa akin pala, ‘Psst, okay ka lang?’ Alam na niya, eh. Minsan alam mo naman pag yung kaibigan mo may pinagdadaanan, pero nando’n pa rin yung space na kung hindi siya hihingi ng tulong sa akin ngayon, ‘Okay, she can do this on her own.’

“Pareho din sa akin, na pag hindi muna ako humihingi ng tulong… kasi ano yan, eh, Darna talaga yan, eh. Nandiyan yung, ‘Gusto mo kausapin ko? Ano, puntahan ko na ba?’ ‘Gel, huwag na, alam ko naman na gagawin mo for me and yon pa lang fact na yon enough na sa akin,’” she said.

Isa pa raw sa ugali ng kaibigan na medyo naiinis siya ay kapag lumalabas sila at ito ang nagbabayad ng bill.

“Kapag magta-try siyang magbayad ng bill lumalabas yung pagka-Daniela Mondragon ko. ‘Hoy, excuse me, kumikita na rin ako ngayon ‘no.’ Kasi dati, siyempre konti-konti lang ang kinikita ko, si Gel nga ang nagturo sa aking mag-ipon, eh, tsaka yung nagturo sa akin to reward yourself, ganun.

“So ngayon dahil medyo kumikita na ako sabi ko sa kanya, ‘Gel, medyo nakaluwag-luwag ako ngayon parang maililibre kitang out of the country,’ sabi ko sa kanya. Sabi niya, ‘Aba, sige mars.’ Yon nga ang next sana naming gustong gawin. Sabi ko nga sa kanya kahit mag-siopao lang kami sa Hong Kong masaya na ako,” pahayag pa ng aktres na recently lang ay ini-launch bilang brand ambassador ng Skin Magical.