Dibdib ni Angeline Quinto, pinuntirya ng netizen

Taong 2018 nang inamin ni Angeline Quinto na sumaililm na siya sa breast reduction surgery dahil nahihirapan siya sa bigat ng kanyang dibdib.

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/19/2019 2:50 PM
Dibdib ni Angeline Quinto, pinuntirya ng netizen


Photo credit: @loveangelinequinto IG

Hindi nakapagpigil ang Kapamilya singer na si Angeline Quinto na sagutin ang isang netizen na pumuna sa kanyang mga sexy outifits. 

Sa Instagram, hayagan na sinagot ni Angeline ang isang netizen na pumuna sa kanyang dibdib.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

Good Morning Abu Dhabi😇🥰💋 See you soon Manila. Miss na kita❤️

A post shared by Angeline Quinto (@loveangelinequinto) on

 

“Hoy Angge...kung kakanta ka naman sa ASAP, lantaran na ung boobs mo, kakahiya ka! Ayus ayusin mo naman, ganyan ba ang dalagang Pilipina,” pahayag ng netizen sa Instagram post ng Kapamilya singer.

Dito, agad na sumagot si Angeline. "Maka hoy naman po kayo sa akin, ni magulang ko hindi po ako tinatawag ng ganyan. Sana po kahit papaano maging mabuting ehemplo din kayo sa ibang kabataan,” sabi ni Angeline sa post.

“Kung problema niyo po ang boobs ko, ‘wag niyo na pong pag aksayahan ng panahon dahil nasisiguro ko mas maraming bagay ang dapat pinagkakaabalahan ninyo sa personal niyong buhay kesa sa boobs ko. Tama po? Salamat po.” pahayag ng singer.

Matatandaan na kamakailan lang rin, inamin ni Angeline na nagpabaswas siya ng kanyang dibdib dahil nalalakihan at nabibigatan na siya dito.

READ: Dahil sa bigat ng dinadala, Angeline Quinto aminadong nagpabawas ng dibdib

“Dumarating kasi ang point na sobrang fit na ang gown sa katawan ko and ‘pag dating dito (chest area), mahirap,” paliwanag ni Angge.