• Home
  • Fresh Scoops
  • Angel Locsin, Julia Montes, may birthday greetings para kay Dimples Romana

Angel Locsin, Julia Montes, may birthday greetings para kay Dimples Romana

Naging emosyonal ang pagdiriwang ni Dimples Romana ng kaniyang kaarawan sa Magandang Buhay, nang makatanggap ng birthday greetings mula kina Angel Locsin at Julia Montes.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/19/2019 1:49 PM
Angel Locsin, Julia Montes, may birthday greetings para kay Dimples Romana


Hindi napigilan na maging emosyonal ni Dimples Romana, matapos makatanggap ng mensahe mula kina Angel Locsin at Julia Montes, sa birthday special niya sa Magandang Buhay nitong Martes, November 19.

Mula sa video greeting ni Angel, sinabi nito na tinuturing niyang hero si Dimples.

"Gusto ko lang ipaalam sa lahat ng nanonood nito, na hindi niyo pa alam kung gaano kabait si Miss Dimples Romana. Binibiro ko nga siya, kung ako si Darna, ikaw talaga ang superhero ko, ikaw ang idol ko," sabi ni Angel.

Emosyonal naman na sumagot si Dimples at ibinahagi sa mga momshie-hosts ang malalim nilang pagkakaibigan ni Angel.

"Alam mo 'yan si Gel, ganyan lang ang sinasabi niya na ako ang hero niya, hindi totoo 'yon. Angel is my hero because during the time that I was going through the lowest, lowest of my life, Angel came at the right time and she gave me strength," naluluhang sabi ni Dimples.

Nang hingian ng kaniyang mensahe para kay Angel, "I love you so so much and I don't think na masusukat ang pagmamahal ko sa iyo dahil forever na. And ako, I just know na napaka-blessed ko na mayroon akong kaibigan na kahit anong mangyari sa akin, she will always be there for me. Alam mo 'yung kapag lilipad ka, lilipad ka eh kasi alam mo may sasalo. Siya 'yon para sa akin," tugon ni Dimples.

Sa parehong episode rin, nagpahatid ng sulat bilang kaniyang birthday greeting si Julia Montes, na muling nagpaluha rin kay Dimples.

"I just miss her. Si Julia kasi masarap ka-kuwentuhan 'yan e. Alam mo napaka sweet niyang bata.

"My connection with her, hindi na magbabago. We would always message each other and I will always send her my love, and she would also do the same. And she knows I'm just waiting," pahayag ni Dimples.

Bilang parte ng kaniyang birthday celebration, bumisita si Dimples kasama ang pamilya at ilang mga kaibigan sa Vatican City.

READ: Dimples Romana visits Vatican with ‘newfound friend’ Toni Gonzaga

Bukod dito, isang sorpresa din ang natanggap ng aktres mula sa kaniyang mga ka-trabaho sa seryeng Kadenang Ginto.

READ: Dimples Romana, nakatanggap ng birthday surprise | Push TV

Patuloy na mapapanood si Dimples tuwing hapon sa Kadenang Ginto, araw-araw.