• Home
  • Fresh Scoops
  • Zephanie Dimaranan, may reaksiyon sa pagpapareha sa kaniya kay Jeremy Glinoga

Zephanie Dimaranan, may reaksiyon sa pagpapareha sa kaniya kay Jeremy Glinoga

Di pa man opisyal, parehas na natutuwa sina Zephanie Dimaranan at Jeremy Glinoga sa mga bumuo ng kanilang tambalan bilang ‘ZeRemy’.

BY PUSH TEAM

FRESH SCOOPS

11/18/2019 8:40 AM
Zephanie Dimaranan, may reaksiyon sa pagpapareha sa kaniya kay Jeremy Glinoga


Photo credit: @zephanieodhene IG

Natatawang nagbigay ng reaksiyon ang Idol Philippines winner na si Zephanie Dimaranan nang banggitin sa kaniyang interview sa PUSH Bets Live ang tungkol sa tambalang ‘ZeRemy’. Ayon kay Zephanie, natutuwa at natatawa siya nang unang mabasa sa Twitter na may sumusporta sa kanila ni Jeremy.

“Nung makita ko po yun first time sa Twitter, after nung Iconic concert, parang may part sa akin na natatawa ako and natutuwa. Natatawa ako kasi --ewan ko hindi ko po ineexpect na magkakaroon ng ganong meaning yung pag-duet namin.”

“Though natutuwa din ako kasi parang possible pala yung mga ganung bagay na bigla na lang may mabubuo out of nowhere,” paliwanag ni Zephanie.

Nagsimula ang mga fans na bumuo sa 'ZeRemy' nang makita silang mag-duet sa nakaraang concert nila Regine Velasquez at Sharon Cuneta.

Sa parehong interview din ay nagbigay ng kaniyang 'kanta' si Zephanie para kay Jeremy, sa pagsabak niya sa 'Sing Mo Mukha Mo'challenge.

Panooring dito:

 

 

Naghahanda ngayon si Zephanie para sa kaniyang kauna-unahang major concert na gaganapin sa November 28, sa New Frontier Theater. Guest niya rito ang ilan sa kaniyang mga kinikilalang idolo tulad nila Sarah Geronimo, Regine Velasquez, Moira Dela Torre, at iba pa.