Maricel-Sharon sa isang pelikula, posible nga ba?

Busy sa kanyang balik-pelikula na ‘The Heiress’ ang Diamond Star na si Maricel Soriano.

BY JEFF FERNANDO

Twitter: @showbizjeff

FRESH SCOOPS

11/18/2019 8:32 AM
Maricel-Sharon sa isang pelikula, posible nga ba?


Photo credit: @maricel.soriano.official and @jeffreyaromin IG

Balik eksena muli ang Diamond Star na si Maricel Soriano sa horror movie na The Heiress

Bigo man na makapasok sa 2019 Metro Manila Film Festival, positibo naman si Maricel na tatangkilin pa rin ito ng mga manonood dahil sa kanilang kakaibang proyekto.

Marami rin ang nakapansin sa naging pagbabawas ng timbang ng aktres. Dito, ikinuwento niya kung ano ang kanyang naging paraan.

“No carbs, nag-excercise na din ako. Nag-gym na ako ngayon... puspusan kasi may edad na ako, kailangan ko mag-effort,” ani ng 54-year-old veteran star.

Sa posibilidad naman na magkasama sila ni Megastar Sharon Cuneta sa isang proyekto, mukhang hindi pa dito naka-focus si Maria sa ngayon.

“Siguro mahaba pang panahon ang kailangan bago tayo mapunta diyan, kasi marami pa tayo ginagawa eh,” sagot niya.

Sa ngayon, isa sa pinaghahandaan ni Maricel ang kanyang pagbabalik telebisyon, na inaasahan na mangyayari sa susunod na taon.

Ipapalabas na sa mga sinehan ang The Heiress sa November 27.