Daniel Padilla, bibisita nga ba sa ‘Ang Probinsyano’?

Kasabay ng napipintong pagbabalik-telebisyon ng tamabalan nina Kathryn at Daniel sa susunod na taon sa ilalim ng Dreamscape Entertainment, tila umuugong ngayon ang napipintong pagbisita ni Daniel sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

BY KIKO ESCUADRO

Twitter: @Simplengbinata

FRESH SCOOPS

11/18/2019 10:32 AM
Daniel Padilla, bibisita nga ba sa ‘Ang Probinsyano’?


Photo credit: @imdanielpadillaofc and @cocomartin_ph IG

Kasabay ng napipintong pagbabalik-telebisyon ng tamabalan nina Kathryn Bernardo at Daniel Padilla sa susunod na taon sa ilalim ng Dreamscape Entertainment, tila umuugong ngayon ang napipintong pagbisita ni Daniel sa Kapamilya series na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

WATCH: KathNiel reassures fans of a well-made teleserye: ‘Konting antay na lang’

Kasunod ito ng ibinahaging retrato ng “Ang Probinsyano” actor at director na si Coco Martin kasama si Daniel, na nagkaroon ng pagkakataon na makapag-usap sa “ASAP Natin ‘To” sa Rome, Italy.

 

 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 
 

😎 #ASAPNatinToRome 📸 @katieleytly

A post shared by Coco Martin PH (@cocomartin_ph) on

 

Dahil dito, naging palaisipan ngayon sa netizens kung posible rin ba ang pag-guest ni Daniel sa numero unong Kapamilya series.

Matatandaan na ilan na sa mga top Kapamilya stars ang naging bahagi ng “Ang Probinsyano” tulad nina Vice Ganda, Anne Curtis at ang primetime queen na si Judy Ann Santos.